SUBRANG DEPPRESS NA AKO πŸ˜­πŸ˜­πŸ™πŸ™

UMIIYAK NALANG AKO SA GALIT SA SARILI KO PATI ANAK KO NA BUBUHATAN KO NG KAMAY HALOS ARAW ARAW SA DAHILAN AYAW KUMAIN NG KANIN KAHIT KAUNTI SUBRANG PAYAT NA KASI NIYA AT SUBRANG LIIT HINDI ANGKOP SA KANYANG EDAD AT MALNURISH PAH,.. PINA KAIN KO NA MAN SIYA NG PRUTAS LAGE,.. AT SA GATAS NAMAN HININTO KUNA KASI AYAW NA NIYA,.. COMPLETE VACCINE NAMAN PO SIYA,.. HELP LEASE πŸ˜­πŸ˜­πŸ™πŸ™ANO PO GATAS NA MAPUPUNAN YUNG SUSTANSIYA NIYA SA PAGKAIN YUNG HINDI PO MASAYADO. MAHAL,..SINGLE MOTHER KASI AKO NAGHAHANAPBUHAY BILANG ISANG ONLINE SELLER AT HINDI CONSISTENT ANG KITA,.. SIYA LANG PO ANAK KOH,.. 2 YEAR OLD PO SIYA NGAYON,.. AT SA NGAYON. PO MAY UBO AT SIPON SIYA LALONG AYAW NA KUMAIN KAHIT ISANG KUTSARA ISINUKA PA NIYA!!! MARAMI NA KASI. VITAMINS PINA INUM. SA KANYA FROM PEDIA PERO WALA. PARIN πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ™πŸ™πŸ™ UPDATE KO PO,.. FORMULA PO GATAS NG BABY KOH SINCE BIRTH, PA IBA2X PO HANGGANG NAG 2 YEAR OLD SIYA,.. DIN PAGKA 4 MONTHS SINIMULAN KO PAKA ININ NG SERELAC PINA UBOS KO TALAGA LAHAT NA NASA PINGGAN KAHIT NAGSUSUKA NA SIYA NUNG TIME NA YON SEGURO PO DEPRESS SIGURO MASYADO ANG TUMMY NIYA NOON πŸ˜­πŸ™πŸ™ MAS PAYAT PA SIYA NGAYON KAYSA SA PICTURE NA YAN GATAS PLEASE. NA HINDI. MASYADO. MAHAL PERO. SIKSIK. SA SUSTANSIYA πŸ˜­πŸ˜­πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ MARAMING BESES AKUNG GUSTONG SUMOKO KASI SUBRAND NAHIHIRAPAN NA AKO WALA AKUNG MALALAPITAN,.. DIOS KO!!!! GINAWA KO NAMAN LAHAT PARA MAPA BUTI ANG ANAK KO πŸ˜­πŸ˜­πŸ™πŸ™πŸ™

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tanong ko lang po mommy panu nyo po nasabi na kulang yung timbang nya at his age? Nakapagpacheckup ka din po ba at nailapit eto sa pedia nya po? Kasi madaming bata na payat lang tingnan pero sakto lang din talaga sa edad din nila. Satin kasi lagi nating naiisip na yung chubby na baby eh yun lang ang malusog etc. Tsaka po pag ayaw kumain ng kanin punan mo nalang or pakainin ng ibang pagkain na mayaman sa carbohydrates.... and prutas na din etc. Di naman na need milk actually eh esp kung ayaw nya din. Pagsipagan mo nalang na pakainin sya. Malalaman mo din naman mga gusto nyang kainin.. Nasstress din siguro ang bata mommy kasi nagagalit ka po at napapalo mo pa pag ayaw nya kumain. Nasstress ka dahil payat anak mo po pero sabi mo naman pinapakain mo naman ng prutas lagi okay na yun mommy kesa sa wala. Dagdagan mo nalang ng iba pang pagkain maliban sa junk foods. Kung ayaw nya kumain ng marami eh di pakunti kunti lang pero dalasan mo. Ang importante lang po eh di masakitin. Ngayon po na nagkakasakit na sya ipacheckup mo nalang po at dun mo na rin iask sa pedia mo bakit ganito bakit ganyan... Virtual hugs mommy.. Kaya mo yan!

Magbasa pa
Related Articles