POOL SIDE EERIE

Tuwing All Saints Day, naging tradisyon na namin magpinsan nag hang-out sa bahay ng isa naming pinsan after namin dumalaw sa lolo at lola namin. Madalas bonding at kwentuhan ang ginagawa namin. High School palang ako noon kaya hindi pwede uminom. Madalas lang ako makinig sa mga kwentuhan ng mga ate at mga kuya ko (lahat pinsan). Isa mga naging kwentuhan namin ay madalas mga kababalaghan or mga nakakatakot na nag experience sa bahay nila ng mula ng lumipat sila doon. Nag kwento ang nakakatanda namin pinsan na may ari ng bahay. Isang hapon narinig nila daw ang car ng kuya ko na dumating, binati nila ito at nakita nila mismo naglakad sa harap nila. Inakyat ni ate sa kwarto si kuya, nakita daw nya nakatayo malapit salamin daw ang kuya ko. Narinig nila ulit may dumating na car at nag bukas ang pinto. Pag kita nila si kuya ang dumating. Tinanong ng tita ko daw si kuya san sya dumaan at bakit galing syang labas. Sabi ni kuya kakarating lang nya. Hindi lang pala unang beses nangyari yun. May isang time daw na ang ang reflection ni kuya sa salamin ay nakatingin sa ibang direksyon. During that time nag kakakwentuhan kami malapit kami sa bagong gawang pool ng bahay nila. Walang hangin at may roof ang pool area. Lahat kami napansin namin na namamatay matay ang ilaw malapit sa pool at parang meron gumalaw ng tubig ng pool para magkaroon ng wave, lahat kami nakita sa likuran ng halaman na parang may nakatayo at may nakasilip. Samantalang pader na mataas ang nasa halaman. May eerie orb na palapit sa amin. Take note hindi pa sila lasing lalo na ako na hindi umiinom.Β  Lahat kami tumayo ang balahibo namin at nagmamadaling umalis sa pool side. #MagandangGabi

POOL SIDE EERIE
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

😱😬😱😳