Car amortization ni jowa.

Tingin nyo po, okay lang ba na tulungan kong maghulog ng amortization sa kotse ung boyfriend ko? Kinuha nya po ung kotse nya di pa kami magkakilala.. Bale 18k a month kasi un. Tapos may balance pa syang 500k. 😢 Ano po sa tingin nyo? Naawa na kasi ako sakanya, sobrang hirap na sya hulugan. Nagagamit naman lagi pag may pupuntahan. Maglalagare ako para lang matulungan sya sa pag hulog. Nagoonline selling na kasi ako, balak ko ulit maghanap ng work para sa kotse nya. Advice naman po. 😊 Tia 🙏

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

parang ung jowa ng officemate ko.baliktad nga lng,si bf ung nagbabayad ng amort ng car ng papa ni girl kasi hirap sila ngaun financially.ang usapan once mabenta ung isa nilang property un ang ipambabayad nila sa mga naihulog na ni bf sa car ng papa nya. btw,may cancer ang papa nya kaya hirap sila financially.kung igigive up nila ang car somehow makakabawas sa problema nila,pero kinausap nila si bf na kung pwede ganon nlng muna ang set up.at kung hindi nila mabayaran si bf e kay bf na ung car.btw seaman si bf,so wala sya dito sa pinas at ung car e gamit pa din ng family ni girl.

Magbasa pa
Related Articles