❤❤❤

Thank you po sa mga momshie na naglalike at nagkocomment sa birthing story ko hehe. Share ko lang po, 5 months na si baby ko. Mahirap pero masaya. First time mom and I had to give up my career to be a full time mom. Pero worth it naman. I would admit there are times na naiinis ako at napapagod kasi si baby madalas mas gusto pang makipaglaro at magpabuhat kahit alas 3 na ng madaling araw. At kahit puyat at antok pa ako, kailangan ko pa din gumising ng maaga para naman asikasuhin yung asawa ko na may pasok. Pag alis ng asawa ko gigising naman si baby. So halos wala na talaga akong sleep everyday. Pag tulog naman si baby sa araw nakakatulog ako minsan pero kulang pa din kaya lagi akong nahihilo gawa din ng anemic ako. Madalas din 1pm na hindi pa ako nakakapag breakfast o nakakaihi man lang kasi di ko maiwan si baby kasi malikot na at iyak ng iyak pag binaba. Pero okay lang naman lahat ng hirap at pagod na yun kasi healthy at di nagkakasakit ang anak ko. Kaya sa mga first time mommies din na kagaya ko, kaya natin to. Pati sa manganganak pa lang. Wag po kayong matakot na macs, kung saan po kayo magiging safe ni baby, dun kayo. Laban lang ng laban. Pag pagod na, magpahinga pero wag susuko. Saka paano ka naman susuko kung ganito kabibo ang anak mo? ?❤

❤❤❤
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Cute ni baby! Sana lumabas na din baby ko. 37wks preggy here!

5y ago

Salamat po, godbless po sa family nyo!

Ang cute

5y ago

Thank you po ❤😊