Power hug mommies!

TAP MOMS, HINDI KA NAG-IISA! We all know na hindi madali ang pregnancy journey ng bawat moms. Still, marami pa rin ang insensitive sa usaping ito. Pagkakataon mo na ito para magbigay ng message sa mga moms na nakaranas ng discrimination or insult sa kanilang baby! #TAPMomCares

Power hug mommies!
32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang itim daw ng baby ko at pango. Maitim po kasi si hubby. Tapos ang mahal daw na baby (mahal kasi na-CS po ako, mahal daw tubos. Nautang din kasi namin yung pera na dapat pampaayos ng bahay. 65k nautang namin) araw-araw naririnig ko yun sa mama ko, galit kasi siya sakin kasi ang hina daw ng loob ko, dapat daw pinilit ko makapag normal delivery. Kasalanan ko daw qng bakit hindi napaayos bahay namin. ๐Ÿ˜ข LDR kami ni hubby, parang wala akong naging kakampi kasi discriminate nila ako na para bang isang malaking kasalanan ang ma-CS pati si LO ko damay. ๐Ÿ˜ขKinukumpara din siya sa pinsan niya na anak ng ate ko. Sobrang puti kasi nun at ang ganda, kabaliktaran daw sa baby ko. ๐Ÿ˜ข Pero ngayong 4months na si LO nagla lighten na kulay nya.๐Ÿ˜Š

Magbasa pa