MAGKANO BA ANG INDUCED SA LYING IN?

Tanong lang po magkano po ba talaga induced sa lyingnin? Dahil binayaran ko 26,730 kasama na daw po philhealth ko don. Ngayon wala sana problema pero nung kinuwento ko sa mga kaibigan ko na nanganak sa lying in sobra OA daw ng price at bawiin ko daw binayad ko. Kinukulit nya ako ano ung lying in nayon babawiin daw namin pera.Na stress ako sana masagot po.. na stress nako wla pako isa linggo nanganak

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sender nakapanganak kana nga iniisip mo pa magrefund. saka mahal na ngayun ang induced. yang mga friend mo na nakakwentuhan mo sana sinabi mo nirefer ka nila kung saan mura. hindi mo makukuha un pera na nabayad mo dahil ang presyo ng pagpapaanak nakadepende tlaga yan sa lying in. maayos nmn kayo nakalabas ng lying iniisip mo pa un kuhanin un pera. mura na nga yan dahil yung iba inaabot tlaga ng 40k. wag ka maniwala basta jan sa kaibigan mo dahil di nmn nila alam lahat ang presyuhan ng paanakan. nagmamarunong sila na mahal.

Magbasa pa
7mo ago

salamat po gumaan yung pakiramdam ko. di po kasi issue pera parang pakiramdam ko niloko ako lalo na inasikaso ko philhealth ko. tapos sabihan ako kaibigan ko bobo ko daw dahil lying in lang yon nag pa singil ako 26k+. gusto nya irefund pera dahil alam ko need nya pera sabi nya pag na refund nya kanya nalang. salamat sa idea po sabi ng partner ko mura na un wg ko ika stress. syempre wla pa isa linggo nanganak ako. salamat po.

Sa lying in na paga anakan ko 38K yung induced. Depende sa kung sino nagpa anak kasi yan. Kung midwife lang mas mura, kung may OB and anesthesian pa mas mahal talaga kahit sa birthing center lang

7mo ago

Okay na yan mi, wag kana magpaka stressed. Meron naman talagang 5k na lying in, pero yun yung mga hindi ka paninindigan kapag nagka aberya habang nanganganak ka. Kung tingin mo napamahal ka, isipin mo na lang safe nailabas si baby, at safe ka. Hindi mababayaran yun.