38weeks 5 days
Tanong ko lang po mga mommy sa katulad ko na 38weeks 5 days na pero close cervix pa rin at makapal pa ang lining ano po ginawa nyo. Paramag ka cm na.. Akokasi nag pine apple can at fruits na pati chuckie naglalakad din po ako tuwing umaga at squatting din.. Pero. Ganun pa rin close pa rin po..

Tyagain mo maglakad. Ako non, close cervix pa last check up ko, then pag di daw nag open ng 39 weeks ko, iccs na ko. Ginawa ko, naglakad ako umaga at hapon, nagpatagtag ako, nilakad ko papuntang check up, ako din namalengke, tapos search ka ng mga labor inducing workout sa youtube. Gabi gabi ko ginagawa yon. Kain ka din pineapple, inom pineapple juice. After kong gawin yan nag 2 cm ako agad. Nag labor for 10 hrs, tinuloy ko lang squating sabay sa paghilab at pagsakit ng puson ko, kinabukasan nag 4cm agad and nag active labor na. After 2 hours lumabas si baby via NSD. Nainormal ko. Tyaga lang.
Magbasa pa


