Need advice pls..

Tama ba bigyan ng 2nd chance si husband? 3yrs plng kmi kasal, kpag nag aaway kmi lagi nya ko nasisigawan at namumura.. nitong huling away namin nasaktan nya ko pisikal.. ngayon nakikipaghiwalay na ako sakanya pero ayaw nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya, lagi daw kmi mag uusap ng mahinahon, ang mga problema pag uusapan para hndi maipon.. napuno daw kasi sya kaya sumabog, hndi nya daw alam bkit nya nagawa.. lagi ko daw kasi nya sinusungitan.. dahil sa Pera Kaya kmi nag away, Hindi nya bnibigay sakin sweldo nya, kaya hndi ma budget ng maayos, pareho Kami working pero lately kinakapos pa rin.. ayoko sana maniwala sa mga sinasabi nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya wag lang ako mawala. May dalawa kmi anak.. nag apply ako ng BPO sa brgy. Bawal sya lumapit samin ng mga bata. Nililigawan nya ko ulit, babawi daw sya.. bigyan ko lang ng 2nd chance..

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

para sakin mi ibang usapan na pag may halong pisikalan na. naniniwala kase akong pag nagawa ng minsan madali na ulitin. safety nyo na nga mga anak nyo naka salalay sa 2nd chance na pwede nyo ibigay. sa usaping pera nmn. nung ayaw ibigay sakin ng asawa ko sweldo nya kinuwentahan ko sya ng mga dapat pagka gastusan. basic lang pinasagot ko sa kanya : bills, gatas, diaper ni baby. tas sa pagkain naghanap nlng ako ng paraan noon. basta yung suporta nya sa bata/ mga bata dapat di mawala. kase pag pati yon nawala pa ano nlng silbe ng mga asawa ntin kung di nmn natin sila maasahan sa ibang bagay.

Magbasa pa