#TitoAlexQuotes

Taas kamay, sino'ng mga mommies na kasundo ang in-laws? Okay, sino naman ang mga hindi kasundo ang mga biyenan? Boom! Hahaha. In fairness naman sa in-laws ko, enjoy naman akong kasama sila. PERO may time limit dapat. After ng ilang oras, medyo nakakapagod din. Ganun ata talaga. Magkaiba kasi ang values ng parents ko sa values ng in-laws ko. I think yun din ang dahilan kaya nagkakaroon ng problema between manugang and biyenan. Iba ang kinalakihan mo tapos iba ang gusto nilang mangyari. Siyempre magkakaroon ng clash. Kapag may tagisan, sino ang dapat manaig? Siyempre hindi mo naman gustong maging bastos dba? Para sa'kin, kapag nagkaroon ng problema between manugang and biyenan, ang asawa dapat ang maging voice of reason. Dapat ipaliwang ng asawa na, "Ma/Pa, may sarili kaming diskarte." Once kasi mag-start na kayo ng pamilya, ibig sabihin kayo na dapat ang masunod. And that's not disrespecting your in-laws or parents. Ganun talaga. Pero kung mali ka, don't expect na kampihan ka ng asawa mo unconditionally. Be reasonable pa rin. Kayo ba? Ilang oras ang time limit n'yo bago kayo mag super saiyan sa mga in-laws?

#TitoAlexQuotes
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako kasundo ko mga in-laws ko mabait nman kc cla sakin kasu nga nahihiya at medyo naiilang pku sa kanila ...may times kc na naiinis ako sa mga gawain nila dto sa bahay, peru pinagpapasinsyahan ko nlang dahil nakikitira at kaylangan makisama nalang..

4y ago

opo saka kelangan tumulong din sa mga gawain bahay.... kasu nga lng nakakainis yung mga pamilya ng partner ko mga burara ang kakalat puro nagtatambak ng mga hugasin sa lababo nakakainis... araw2 kung nililigpit mga kalat at dumi nla.... kahit nagagalit nku sinasarili ko nlang kc pag nilabas ko nman baka ako maging masama kaya tinitiis kulang hirap din kc buhay ngayon.. saka nakikitira lng kmi...