Shouting at your baby
Super stress ako lately lalo na ako lang at di ako matulungan ng asawa ko mag alaga sa 11 months old naming baby. Sa pananaw kasi ng asawa ko mga babae dapat nagbabantay sa anak at ni sa gawaing bahay di ako matulungan. Ultimo pinagkainan nya ako pa naghuhugas. Routine lang nya is papasok sa trabaho, kakaen at mag ccp pagkauwi at lalaruin lang ng saglit anak namin. Basta nakakapagtrabaho sya sapat na yun. Nagkakasakit na ko pero ako pa dadaingan nya na may masakit din sakanya. Ang ending ako na sa lahat at iignore ko na lang nararamdaman ko dahil wala rin ako maasahan. Naglalakad na kasi yung anak ko at napakalikot, ang hilig pang ipasok yung daliri sa mga socket ng kuryente. Nasisigawan ko sya lagi. Ano kaya magiging effect nun sakanya?
Mommy loves