MOTHER DEAR

Share ko lang po Simula ng nagtrabaho ako noong 21 years old ako, mas malaking porsyento pa ng sahod ko ang napupunta sa nanay ko. Siya ung tipo ng nanay na may pagkukusa. (pagkukusang humingi ng pera) Alam niya ang petsa ng sahod ko, nasa gate pa lang ako ay bubungad na yan ng "akin na ang sahod mo at may babayadan ako. " (Di uso sa family namin ang sweetness and saying thank you, sa reklamo ayan jan magagaling) Fast forward, I am now 28. Ganun pa rin ang nanay ko. Di ako makaipon mga mommy kasi may asawa at anak na ako pero parang naging obligasyon ko na na kalahati ng sahod ko ay laging sa kanya. Napakabait naman ng asawa ko, sasabihin lang nun bigyan mo na at ng tumahimik. (masahol pa kasi kay anabel rama ang nanay ko) Dito sumama ng matindi ang loob ko, 8 months na kasi ang tiyan ko and since nag lockdown tayo, lahat tayo ay kinapos sa pera. Pumunta siya sa bahay naming mag-asawa. Hinihingi ang porsyento niya kasi sumahod na kami para sa month of July. Sabi ko di muna ko makakapagbigay kasi malapit na ko manganak, kailangan namin ng budget. Galit na galit sa akin. Pinagmumura ako tapos puro kabastusan lumabas sa bibig. Nakatikim lang daw ako ng t*ti ay binalewala ko na sila. Kesyo madamot daw ako, makasarili. Di ko daw sila iniisip. Sinumbat pa ung pagpapalaki niya sakin simula pagkabata. Hayyy napaiyak na lang ako dahil di makaunawa ang nanay ko. Ako naman ay di madamot at maluhong anak. Kahit paano naman ay napaalwan ko ang buhay nila. Mag iisang taon pa nga lang akong kasal e. Siguro naman ako ay nakatulong na kahit paano. Wala pa nga masyadong gamit ang baby ko e.๐Ÿ˜ข Sama talaga ng loob ko.

46 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku. Misis.. Hyaan mo na muna yung mother mo. Kasi ngaying may sarili k ng pamilya mas magfocus ka.. Kung may sobra dun k n kng magbigay.. Kasi sa huli.. Pag nanganak k.. Wla kng maaasahang tulong kung hndi sarili nyo lng

Focus ka na sa family mo kc hindi nman habang buhay susuportahan mo cla lalo na ngayon may family ka na. Dpat maintindihan ng nanay mo na need mo ng budget s pagpapanganak mo kc dumaan dn sya s gnyan.

Hindi mo cla obligasyon.. My pamilya kana.. Pasalamat nga siya ngayon ka lng d nakapagbigay.. Kausapin mo nalang ng mabuti.. Tapos sabihin mo na need mo ring mg ipon pra sa baby niyo..

Unahin mo ang pamilya mo ngaun kaysa sa kanila. Hindi sa nagdadamot ka pero iba na ang priority mo ngaun. Hayaan mo rin cla magbanat ng buto para sa sarili nila

pasalamat nlng sana nanay mo momsh na may pamilya kna ,nasa mabuti kang asawa , mga ganun na bagay...... hayzzzz nkka lungkot ipagdasal mo nlng mama mo momsh..

Tiisin mo muna nanay mo sis. Kelangan mo din mag ipon para sa sarili at pamilya mo. Diyos na ang bahalang mag pa intindi sakanya. Wag ka magpastress. Godbless

VIP Member

Hirap ng sitwasyon mo momsh.., sana nman maunawaan ni nanay ang kalagayan mo ngayon.., wala ka ba ibag kapatid na pwede nya mahingan

VIP Member

Hirap naman ng sitwasyon nyo. Nakakasama talaga ng loob oag sariling nanay yung ganyan... lalo na buntis pa kayo... ๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

nakakalungkot naman inay,just pray,,unahin mo si baby dahil wala ka naman iba aasahan din kung sakali,

VIP Member

Woow.. Momshh.. If I am in the same situation.. Di ko alam i rereact ko.. Di naman tama yun. ๐Ÿ˜ž