first of all po di obligasyon ng anak mag abot sa magulang.. maswerte nanay mo andyan ka buong buhay mo na nag aabot parang nag aantay din sya ng sahod nya. turo samin di porket kapamilya mo eh di na pwede maging toxic at iwan. kung sino nag bbring down sayo mommy you have to let them go. kase dapat naka paligid saiyo ay tumutulong sa happiness and pag angat mo . mag pray ka po mommy bigyan ka lakas ni lord sa mga trials and blessings 🥰
So sorry to hear your situation, mommy. May mga moms talaga na ganyan at parang lahat ng ginawang pagpapalaki sayo e isusumbat pa. Although super thankful ako sa mom ko kasi never sya nanghingi or even nanumbat. Nakakalungkot lang na may ganyang nangyayari, sana inintindi ka na lang mommy kasi di mo naman na talaga sila kargo pa lalo na ngayon na manganganak ka na at may pandemic pa. Hugs to you, mommy. 💕
This is an example of a parent na nag anak para umasa sa anak. Sobrang nakaka disappoint na may ganitong parents. Sabi nga nila remove toxic relationships. I think kahit pa mother mo siya if she's not being understanding and palageng "kumukuha ng porsyento" eh toxic na yan. Not the kind of mother na dapat sinusuportahan. She does not deserve it.
Responsibilidad ng magulang na palakihin ang anak. But that doesnt mean na magiging responsibilidad mo rin sila pagtanda mo. May sariling pamilya ka na susuportahan. Unahin mo muna yung sainyo. Same way na paglaki ng anak mo wag mo silang gawing insurance. Dapat noong habang tumatanda sila nag iipon din sila para sa future na gastos nila.
Wow.. Naistress ako kay ma~ther. Anyway. Ipaintindi mo momsh. Kung kinakailangan ibigay mo listahan ng gastusin niyo jan sa bahay. Tama lang naman na magipon ka muna para sa panganganak mo. Kasi sa panahon ngayon gahaman sa pera mga doctors at hospitals pag dating sa bills. Stay strong. Wag masyado paka-stress. 💪
Responsibility ng magulang na palakihin at bigyan ng maayos na buhay ang anak pero hindi responsibility ng anak ang magulang, okay lang na bigyan mo sila, given, kasi magulang mo pero may sarili kana pamilya at meron kana dapat i-priority, hayaan mo nalang magbunganga nanay mo 😅 wag ka pa stress mamsh.
Sad to say na isa yung Mother mo sa may mentally problem at selfish din. Kung matino kasi isip ng Mother mo, maiintindihan niya ang sitwasyon mo/nyo. Maybe it's time to ignore her pero wag kang tumigil sa pagmamahal sa kanya. Mag abot ka sakanya nang makakaya mo kapag nakaluwag-luwag kayo.
Family mo na ang priority mo lalo pa ngayon na buntis ka mommy. Wag mo muna intindihin yang bunganga ng mama mo kase masama sayo mastress. Sorry for the word pero namihasa na yang mama mo. Ok lang magbigay kung may sobra, pero iprioritize mo muna ung family mo ❤️😘
Inhale, exhale, Sis. Wag mo munang isipin si Mother mo. Focus ka na lang muna sa family mo and kay baby. Ipagpasa-Diyos na lang natin siya. May ganyang mga tao talaga na kahit kadugo pa natin ay siya mismong makakagawa at makakatrato ng hindi maganda sa atin.
sorry ha pero never dapat isumbat ng magulang ang ginawang pagpapalaki sa anak.. nakakalungkot lanv na nangyayari yung ganyan. pero kelangan mo na panindigan na dina pwedeng kahati sila sa lahat. unless sobra sobra ang income nyo.