same situation. 4months preggy ako nun hirap akong aminin sa parents ko about sa pagbubuntis ko kase panganay ako at ako lang ang inaasahan nila at ganun din sa bf ko siya lang ang inaasahan ng parents niya then ramdam kong parang ayaw pa sakin ng mama ng bf ko grave din yung hirap ng situation namin nun. at eto hanggang sa napansin na ng parents ko yung tiyan ko dahil lumalaki. kinausap nila ako akala ko magagalit sila, itatakwil ako lahat na ng negative naisip ko na that time pero nagkamali ako. alam kong andun padin yung sama ng loob nila lalo na papa ko dahil ginawa nun lahat makapagtapos lang ako ng pag aaral pero sinira ko tiwala niya. nagbukod nadin pati kami ng boyfriend ko. actually 8months preggy nako everytime na may check up ako mama ko ang laging sumasama sakin then papa ko hinahatiran ako lagi ng pagkain. sa kabila ng lahat hindi padin talaga nawawala sakanila ang pagiging magulang nila. kaya wag kang matakot na umamin sa parents mo para matulungan ka din nila kase kahit anong mangyare Anak ka padin nila at alam nilang mas kailangan mo sila 🙂 wag ka masyadong magpapakastress sis. nakakasama para kay baby.
Magbasa pa