Feeling down..

Sobra na akong nado-down pag nakikita ko yung mga pagbabago sa katawan ko. Tinanggap ko na yung stretch marks na yan tapos dumagdag pa tong rashes ko, sobrang pangit na ng kutis ko. Huhuhu nakakababa ng self esteem ??? Sa buong pagbubuntis ko sobra talaga akong nahirapan. Tas napaparanoid kapa na sana healthy si baby mo paglabas, wala pa man parang feeling ko nararanasan ko na ang PPD. hays, Si God nalang talaga nagpapalakas ng loob ko, sana matapos na to. ? Sorry mga sis, kailangan ko lang ilabas to, parang sasabog na kasi.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para saken hindi naman naten kelangan na mafeeling down eh..dapat iembrace at iaccept naten lahat ng changes na nangyayari saten..kase kalaunan pag tumanda na tayo..lahat ng iniingatan naten na kagandahan at kakinisan sa katawan..maglalaho rin..mawawala..pero ang experience naten ng pagdadala ng anak sa sinapupunan naten ay yun ang kailanman hindi mawawala saten..gang sa pagtanda naten maaalala pa rin naten yun..saka lets just be proud palage sa ating mga sarili..dahil itong katawan nateng ito..pumangit man..ito yung nagdala at nagsakripisyo ng 9 na buwan para lang maisilang ang munting anghel dito sa mundo..kaya wag naten ikakahiya ang ating mga sarili..dahil dakila at bayani tayo para sa ating mga anak..ang mahalaga ay hindi ang pisikal na pangangatawan kundi yung paninindigan naten para sa ating mga anak..

Magbasa pa