BreastMilk πŸ’ž

Skl, natutuwa kase ako na marami nang lumalabas saken na gatas. 😌 Sampal sa mga taong nagsasabi na wala akong mapapadede sa baby ko. Haha! Anyways, nung buntis po kase ako yung mga kaofficemate ko palagi akong inaasar na kesyo wala daw akong boobs kaya wala ding gatas na lalabas pag lumabas si Baby ko. Flat chested kase ako hahaha! So yun na nga. Since palagi nilang sinasabi saken yon, sinigurado ko na magkakaroon ako ng gatas paglabas ni Baby, 8mos tyan ko, nagtatake nako ng malunggay capsule until now. 2x a day, then more sabaw at may taga supply po kase kame ng dahon ng malunggay which is tito ng partner ko, kaya kahit anong ulam namen kahit di naman dapat lagyan ng malunggay, nilalagyan namen haha! Like adobo, nilalagyan namen ng malunggay, basta kahit na anong ulam matic may malunggay na sahog at pinadede ko ng pinadede sa baby ko pag labas niya, kahit sobrang sakit na halos gusto ko nalang iformula siya, pero tiniis ko. Inisip ko nalang na isa sa sakripisyo bilang Ina ang pagpapasuso at para din naman yun sa ikakabuti ni Baby. So yuuun. TADAAAAA!! Ngayon sobrang nakakatuwa na ang dami nang lumalabas na gatas saken. Worth it lahat ng ginawa ko at gagawen ko pa para mas dumami ang milk ko, nakakapagstock naden ako sa ref. Sa mga mommies na namomoblema dahil walang gatas. Try niyo ginawa ko, sobrang effective! Tska palagi nateng tandaan na gatas ng ina ang pinakamasustansyang gatas para kay Baby, walang makakapantay sa sustansiya πŸ’ž Godbless mga mummies!

BreastMilk πŸ’ž
19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

That's nice mommy! Share ko lang din na pump ko before nung ngwwork pa ako.. Sacrifice lng tlga mommy, tapos always think positive.. it's all in the mind. Wla nmang imposible.. Same here mommy nung wla pa akng baby flat chested din ako haha! And i notice kung cno pa ung wlang breast un pa ung mayaman sa milk hehe cguro mommy coz there's more space for milk? Hehe.. anyway, natalac din ako 2weeks before my delivery date.. and almost 3 years din akng ngpaEBF sa eldest ko na stop lng kasi ngplan na kami na mg 2nd bby.. Heto tung 14days old baby ko myaman na nmn sa breastmilk hehe 2weeks pa lang xa pero my double chin na hehe...anyway Happy breastfeeding mommy! Padede pa more🍼

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

nagdodonate prin po ba kau until now? πŸ₯Ί

Ako naman laki ng boobs ko pro sobrang hina ng gatas ko.. kaya 1month lang ako ebf..πŸ™ ngwawala kasi baby ko dhil konti lang nakukuha nyang gatas kya napilitan nkong mag formula.. 7 months preggy ako pinag malunggay supplements nako ng ob ko.. pro ang hina prin tlaga ng gatas ko.. everyday sabaw na may malunggay kinakain ko.. nag chia seeds and oatmeal na din ako.. nagtry na din ako ng iba ibang malunggay supplements pati ung life oil na mdyo pricey pro di prin tlaga lumakas gatas ko..πŸ™ sana sa next baby ko mapa breastfeed ko sya kahit hanggang 6 months lang..

Magbasa pa
4y ago

Inverted din nipple ko kaya nahihirapan din sya.. may nipple puller na ko pro bumabalik sila..

Super Mum

True. Unli latch, malunggay at dedication talaga ang key sa matagumpay na pagpapabreastfeed. Thanks for sharing your experience mommy para malaman din ng mga soon to be moms and moms na currently struggling sa pagpapa bf ngayon.

Kawayyyy.. hehe yan p lng naiipon ko sapat nman para ky baby. Ndi ako mahilig magsabaw o khit anong pampalakas sa gatas. Hehe ayoko n rin uminom ng mga ganun sakit s dede eh..

Post reply image
4y ago

Oo nga mumsh e. Napapansin ko kapag dede saken si Baby, bglang sasakit yung kabila ng Dede ko which is nagpoproduce ng milk.

VIP Member

Congrats, Mommy. 32 wks na ako and twice a day na ako natetake ng Natalac. Hoping and praying na din ako sa ample supply of breastmilk for my baby boy. πŸ’™πŸ™

4y ago

Goodluck mumsh! 😊 Unli latch lang yan. Si baby lang ang makakapagpalabas ng milk mo. Kahit sobrangs saket padede mo lang. Bonding niyo na den ni baby yon.

More Milk to Come satin ☺️ para kay baby 6days palang mula manganak ako laking help talaga ng malunggay capsule

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Wow mommy. 😊 palabas narin si LO ko. 37 weeks na ko. Sana marami rin akong breastmilk na maproduce. Itatry ko yan. 😁

4y ago

Goodluck mumsh! Padede mo ng ipadede kay Baby, siya lang makakapagpalabas ng gatas mo. Tska bonding niyo na din ni Baby yon. ❀️😌

Wow congrats mommy!! Para sa ikabubuti ng mga babies natin! Support sa breast feeding 😊πŸ₯°

Super Mum

Good job mommy😁 thanks for sharing.. Sana maraming mommies mainspire magpabreastfeed😁

ano breast pump gamit niyo? mabilis ba mag pump?

4y ago

Saan usually nakakabili ng electic pump momsh?