Hospital rate

Sino po sa inyo ang nanganak sa Fabella hospital, mga magkano po kaya ang normal and cs delivery rate dun?

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dun po ako nanganak last april po, as much as possible inoffer po nila na libre ang normal at cs dun. Pero kung may pambayad naman ok din naman sa kanila. Normal po dun ay libre talaga, yung cs depende nalang sa mga needs ng mommy at baby if may extra care kailangan. Pero if wala ka tlaga pambayad kahit anong sitwasyon pa ng panganganak kahit pa cs ay hindi nila inoobliga magbayad. If ever man na manganak dun sa time ng pandemic ngayon, importante lang talaga na may budget pagkain at mga primary needs ng mommy at baby doon sa hospital habang hindi pa nakakalabas like diapers or lampin, napkin, tissue. Tsaka pinaka issue dun ying availability lang ng mga facilities like sa incubator or ward sa intensive car unit ng babies. Karamihan kasi ng nanganganak sa maynila doon ang takbo.

Magbasa pa
4y ago

Noon pong dinala aq dun last april sobrang strict nila. If ever may sakit ka like lagnat or ubo. Hindi kana agad makakapasok. If wala ka naman sakit na kahit ano, dami kapa fillupan at dami pa tanong. And advice q din na if pupunta dun yung talagang manganganak na. Kasi dun if may ilang oras pa na delay ang panganak may option sila na pinapauwi muna dahil crowded dun. Yung iba nga kapag nasukat nila na mataas pa talagang pinapauwi nila lalo na kung malapit lang lugar.