STRICT PARENTS

sino po dito yung sobrang strict ng parents pero nung nalaman na buntis sya natanggap din at okay naman sakanya yung apo nya ako po kase buntis strict yung papa ko hindi nya alam na may bf ako at buntis hindi ko alam kung sasabihin ko ba natatakot ako helpp

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin mo na po. 17 y.o and 38 weeks na po akong preggy. 6-8 months na po si baby nung nalaman nila. di po kasi ganon kalaki ang tyan ko pero nakakapang hinala na buntis nako nun. At first, kala ko po di nila tanggap. pero bago ko pa po pala sabihin na buntis ako, alam na nila dahil halata daw po. Masakit pong makita na umiiyak sila sa harapan ko but they keep on reminding me na blessing si baby. Siguro kaya naging okay din kasi tinake naman ng bf ko and parents nya yung responsibility. Simple lang buhay namin syempre paminsan eh nahihirapan kaya talagang nagworry ako about sa kalagayan ko. Kung nagaaral pa po kayo, tuloy nyo lang po. Ako po kasi magaaral pa this June kung manganganak ako ng maaga. Sabihin nyo po sakanila na hindi hadlang si baby sa pagaaral nyo po (kung nagaaral pa po kayo hehe). Gawin nyo nalang po syang inspirasyon. Matatanggap po ng papa nyo yan. Mahal po kayo nyan at di nya po kayo kayang talikuran. Goodluck and God Bless you po 😊

Magbasa pa