Sino pa po ang gising pa? Help naman po, ftm here. 37weeks, 3days na po ako ngayon. Paano po nalalaman kung pumutok na panubigan mo? Hihilab din ba tiyan mo at the same time? Madami po ba yung lalabas? Di po kase ako sure kung ano to e, nagising nalang po ako bigla may nararamdaman po ako na lumalabas sakin. Medyo watery po siya then nung nagpunas po ako medyo light brown ang kulay then may konting dugo. Napaka light lang po niya and parang dot lang yung dugo. Wala pong masakit sakin ngayon, puson or tiyan wala pong hilab. Any idea po? Medyo kinakabahan at nag woworry na po ako huhu. Nagtext na po ako sa ob ko, wait ko pa po siya mag reply. Any idea po kung ano to, salamat po sa sasagot.
Nicole Baluyut Tarenio