Where did you meet your hubby?

Sino mga college sweethearts dyan? Or nag-meet ba kayo sa work? Dating apps? Social media?

Where did you meet your hubby?
231 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

katapat bahay namin. hihi. dati, ayaw ko sa kanya. kasi lagi ko nakikita na nakikipag inuman sa mga tatay na kapitbahay rin nmin. nirereto rin sya sakin ng mga kapitbahay namin. mabait naman daw sya, nag iinom lang pag sunday, kasi pahinga day. saka nakikisama rin sya sa mga kapitbahay dahil bagong lipat lang sya samin. hanggang sa pati mga kanananayan sakin, nirereto na rin sya. dami na mga magagandang sinasabi tungkol sknya. sabi ko, basta, ayoko sa mga manginginom. takot ako baka pag malasing, magmaoy. hanggang sa one time, kinausap ako ng isa sa kapitbahay namin. bkit daw hindi ko itry na intertain, malay raw namin magclick. ayun, inisip isip ko na ng ilang araw. tas nagchat sya sakin. nireplyan ko na. hanggang sa nalabas na kami minsan ng di alam ng iba. nhihiya kami eh. hanggang sa may nakakita na samin. hahahaha! ayun nabuking na. umamin na rin kami at nagsama. Mabait naman pala talaga, sweet, responsable. saka may malawak na pag intindi. kapag may problema kami, agad namin pinag uusapan. mas mahinahon pa sya kesa sakin. kahit madalas ako ang problema. hahaha! wala sa tagal ng pagkakakilala, nasa pag intindi lang talaga. :) ayun lang, Salamat sa pagbabasa. hihi.

Magbasa pa