Depo injection (BIRTH CONTROL)

Sino kagaya ko na gantong na experience? I’m so worried na kasi. Nanganak ako ng OCTOBER 07, 2025 emergency cs. My 6th baby… By November 12 nagpa inject na ako sa health center. November 19 nagka regla ako til 25 bali 7days regla ko. After that hindi na ako ni regla hanggang spotting lang ako. Dumaan ng december at january wala as in kaya worried ako kung, normal bato. 1st time ko kasi magka ganto. Ever since na nag de depo inject ako. This feb 05 nag 2nd dose ako. Walang reglang dumalaw spotting lang pero minsan minsan lang rin. Year of 2021 my 1st ever inject hindi ganto yung effect sakin kay di ako nawawalan mg dugo kung mawala man aabot ng ilang araw tas ganon nanaman. 1year rin ako mag inject tapos 2nd try ko nanaman ng depo inject 2024 nung mga months lang tinagal kung di ako nagkakamali 3months lang tinatagal ko nun tapos nag switch na ako ng dianne pills. Sadly na buntis parin nung tinigil ko dianne pills ko since na admit ako nun at tinigil ko muna mag take ng pills. Sa may experience at may alam ng ganto please acknowledge me… Subrang sakit kasi ng balakang ko subra subra. Lalo na kung pag mag gagawaing bahay ako dun na t-trigger lahat ng sakit ng balakang ko… :(

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I was in Depo din before. It's natural na hindi ka reglahin or kunting spotting lang. 1 Shot is good for 3 months. kapag nag stop ka dahil nakalimotan mo yung next appointment mo for getting the 2nd shot, talagang reglahin ka. kapag on time naman ang shots mo, hindi ka reglahin. so far sakin good ang effects.no acnes or pimples, hindi rin ako nag gain weight. Na maintain pa nga ang weight ko na 47kg lang. ayaw ko din talaga mag 50kg or more. mas prefer ko ang depo kasi bet ko ang hindi nireregla tas wala pang iisipin na oras unlike pills. Pero now Got a bun in the oven finally. I stopped Depo for 2yrs na. Ang tagal nawala ng effects sakin although regular ang period ko nun bago mabuntis.

Magbasa pa

4 years akong nag depo, side effect tumaba ako at wala ka talagang sex drive, at medyo matagal ka basain kasi nga dahil sa wala ka talagang gana, medyo nasakit ang talampakan ko dahil malakas umubos ng calcium ang depo kaya nag vivitamins ako at ng vitamins para sa dugo kahit di ako nireregla, nag reregla ako spotting minsan wala pa halos wala rin minsan which is normal lang daw sabi ng OB ko pero gusto ni OB mag pills nalang ako kasi mas maganda raw kasya sa Depo kaso ako ang may ayaw dahil sa lagi ko talagang nakakalimutan as in, after ko tumigil ng depo niregla ako agad at nag pills na ako after noon nahingi lang ako sa center kasi libre lang trust pills sa brgy health center.

Magbasa pa

Ako din po inject for 2 years. Pagkakaalam ko po 3mons or 4mons nireregla pa ko after that wala na din. Tinatanong ko po sa center pero natural daw po di nagkakaron. Kaso nagworry din po ako kase sobrang sakit lagi ng puson ko tas sobrang bloated kaya nagstop din po ako tas 1 year naman po ako nagpills last year po yun. Nagstop din ako nito lang dec kaya 6weeks pregnant na po ako ngayon.

Magbasa pa
3w ago

Congratulation ❤️ pass muna talaga ako sa pag bubuntis. 🤣😅

Pinuputol po ba sa loob at lagi ka po na bubuntiss?