โœ•

235 Replies

TapFluencer

Mama ko, actually di pa confirmed na buntis ako but feel ko talaga na preggy na ako nun kasi kakaiba feeling ko, naiiba pang amoy at pang taste ko, so weird na. Sabi ko nalang di ako dinatnan nung month na yun, so sabi nya may nangyari ba samin ng jowa ko that time (na husband ko na ngayon๐Ÿ’๐Ÿ˜) Sabi ko Oo na nakayuko ,nahihiya ako humarap e, 19 pa kasi ako nun bata pa, bunso pa nila hays ๐Ÿ˜Œ Sabi nalang ng Mama ko "Buntis ka" tsaka after non, Sinabi nya kay papa,. Taz after din nun, nag pt ako so ayun malinaw na positive (twice ko pang inulit๐Ÿ˜…๐Ÿ˜)

Si partner! Delay palang ako ng 3 days sinabi ko na sa kanya na something's weird about me kasi never ako nadelay, laging advance pa mens ko. At first hindi pa niya ako pinapansin lalo na nung nag PT ako ng 3x lahat negative, 5th day, 8th day & 12th day kong delay tapos yung ikaw 14th day blurry line naman hahahahaha sabi niya he won't believe muna kasi baka daw madismaya lang siya until nung na confirm namin nung nag visit na ako sa OB ko. ๐Ÿ˜‚ We're both happy & excited lalo na malapit na lumabas ang baby girl namin.

Akala ko may jetlag lang ako. Pero parang kakaiba na pakiramdam ko, bumili kami ng kit ng gabing un. Sabi nila effective daw kapag sa umaga nagPT. Pero hindi ako nakatiis. NagPT nko ng gabing yun. Actually, pinicturan ko at sinend ko sa kaibigan ko para tanungin kung positive o hindi kasi malabo yung isa. Tapos pumasok na si husband sa kwarto pinakita ko sa kanya. Ayun napaupo sya at napayakap. Technically, yung kaibigan ko. Pero dipa naseen yung msg ko kaya si husband prin. Hahahaha.

My workmate ๐Ÿ˜‚ pero feeling ko palang yun, hindi pa talaga sure kasi delay na ako ng 2 days eh never naman ako nadelay since may tracker din ako for menstruation. Nung sinabi ko sa partner ko na delay ako at possible na buntis ako ayaw nyang maniwala at sinabihan pa ako na wag daw ako masyadong umasa at baka madissapoint lang ako ๐Ÿ˜’ sa inis ko bumili ako ng pt at boom! Napakalinaw! Positive nga! Tapos ayun tuwang tuwa si tukmol ๐Ÿ˜’๐Ÿ˜‘๐Ÿ˜‚

Yung super kaclose ko na ate. Magpapasko na kasi nung nagPT ako, gusto ko isurprise si hubby. Eh hindi ko macontain yung excitement at saya ko kaya nasabi ko sa ate ko haha. Nilagay ko yung 2 PT sa small box pero tinabunan ko ng mga pictures namin as Christmas gift. Wala syang idea๐ŸคฃInisa isa nya then surprise! Hagulgol sya iiiiiih. Sobrang memorableโค๏ธโค๏ธโค๏ธ Kakakasal lang namin di masyado inexpect na makakabuo agad. Hihi

VIP Member

Partner ko po. Inaabangan ko na talaga nun yung mens ko, bumili na nga ako ng napkin eh. Kaso nagtataka ako kasi 2 days lang minsan kung madelayed ako, kaya sabi ko sa partner ko pag wala pa din magppt na ako. Then 4 days delayed na ako nun, nagdecide kami ni partner na bumili ng pt then kumain kami mang inasal at pag pt ako pagkatapos kumain. Ayun positive ang resulta. Pareho kaming hindi makapagsalita ng partner ko.

Ung bff kng midwife..taz snvi k ky hubby need k dw mgutz svi n bff taz sinmahan nia ako taz yun ask nia kng ano result..svi k positive buntis ako 3mnths hehe nagulat..kc i'm ung using family planning for almost 10yrs taz this yr ngdecide akng pahinga muna s mga gamot..ung cnbi nia tlga ako natawa eh.."ano b yan minsan n nga lng ako sumakay nkabuo p"ung tipong nktwa xa n naiiling..7mnths preggy here png4th bby k n eto

Sakin ka work ko thru messenger. Sinend q muna sa kanya pic ng pt ko kasi di ako sure kung positive. Hindi ko muna sinabi sa asawa ko kasi ayaw ko na umasa sya agad na positive nga. Tapos ayun ng sinabi ng ka work ko na positive nga at magtry pa q uli pt para sure tsaka ko sinabi sa asawa ko tuwang tuwang sya at excited ang bilis nya umalis agad para bumili ng pt sa botika.๐Ÿฅฐ

officemate ko.. kasi di ko napansin na delayed na pala ko sa sobrang busy sa office sila lang nagsabi sakin kasi halos sabay sabay mens namin.. then excited sila kaya sila bumili ng pt ko.. pagpasok ko ng morning binigyan ako ng pt.. then sila pinatingin ko ng result kasi kinakabahan na naeexcite ako.. tas un positive nga.. 22weeks n 5days n sya ngaun...

Yung helper namin sa office unang nakaalam hahaha sunod yung Supervisor ko ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. Then sinend ko sa messenger yung PT saka pa lang nalaman ng boyfriend ko (asawa ko na now). Nasa work kasi kami both that time. Tapos tuloy tuloy na message nya, sobrang saya nya ๐Ÿ˜ unexpected din kasi talaga eh. Di namin alam na makakabuo kami ๐Ÿคฉ

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles