23 Replies

RED FLAG 🚩 No, hindi maapektuhan ang baby mo. Pero ikaw oo. Paglabas ng baby mo, mag-ingat kayo at baka ganyan din ang gawin sa bata. Heto ang payo ko. Tumawag ka sa magulang mo o kung sino man ang pwedeng mag-rescue sayo. I suggest wag ka na magtagal diyan. Balikan mo na lang ang gamit mo. Ipa-blotter mo ang ama ng anak mo. Once na ginawa niya yan, uulitin niya yan. Maniwala ka, hindi yan ang huli. Warning na yan sayo. Kung mahal mo anak mo, at habang mahal mo pa ang sarili mo, agapan mo.

Layuan mo na tatay ng anak mo momshie ,, Ang matinong lalaki di nananakit ng babae. Once na ginawa nya yan, may posibilities na maulit yan lalo na't 1st baby nyo palang tapos ginaganyan ka na nya ,, wag maging martir kawawa si baby lalo na pag na sstress ka mommy naapektuhan pati si baby .

Sure ka bang mahal ka ng tatay niyang baby mo? Ang kapal naman ng mukha niyan para saktan ka. Buntis or not wala siyang karapatan manakit. Kung madalas niyang gawin yan sayo, isumbong niyo na yan at iwan. Hindi yan magiging healthy sayo at sa baby mo.

Stress ang pinaka-iiwasan po pagbuntis. Saka kun ganyan yung partner mo, baka pag nagtagal ano pa kayang gawin niya at baka masaktan kayong dalawa ni baby mo. Layuan mo muna sis partner mo. Hindi siya healthy sainyo ni baby.

VIP Member

Safe si baby physically pero since nastress ka emotionally somehow may effect din un kay baby. Hay, pademanda niyo po yung tatay ng anak niyo. Violence against women and their children yan

Mommy kung ganyan kabayolente ang tatay ng anak mo mabuti pa lumayo na kayo. Baka sa susunod iba na ang mangyari, layo na po habang maaga pa. Para din po yun sa kaligtasan ng anak mo.

3 months npaka selan pa ng lagay nyan lumayo kana jan bakit di ka magsumbong bawal na bawal ang manakit ng buntis turuan mo ng leksyon yan isipin mo si baby mo baka mapano pa yan

VIP Member

Bka makunan ka sa panankit nya sis lalo na nsa 1st trimester ka palang. Layuan mo nlng partner mo alam nyang buntis ka pero ginaganyan ka nya ndi sa deserving maging ama.

OMG. Iba iba po tayo ng opinyon pero since you ask help from here.. masasabi ko lang--- goodbye to that guy. Tatay ko nga di ako masaktan ng ganyan, siya pa?

VIP Member

Punta po kayo sa police. Ipa blotter nyo para may ebidensya kayo. Saka ng matakot yang tatay ng anak nyo. Punta po kayo sa women and childrens desk help.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles