Natutulog Mag-isa

Siguro isa sa rare cases ung baby ko na simula newborn ayaw magpakarga. Nagagalit sya pag kinakarga, nagtatantrums ba. Pag ihiniga na sya sa crib nya ayun masaya na sya uli. So it wasn't hard for me na turuan syang matulog mag-isa. Simula 1 month old sya mag-isa na sya natutulog. Hindi ko sya kinailangan ihele o kung ano mang kailangan kong gawin para matulog sya. 1 month lang din nya ako pinuyat. Ngayon 1 year old na ang baby ko, tinitira ako ng parents ko. Kesyo hinahayaan ko raw matulog mag-isa ung anak ko. E anong gagawin ko? Ang baby ko hindi matutulog hanggang nakikita nya ako. Bakit? Kasi nasanay sya na pag magkasama kami naglalaro kami. Mali ba akong hinahayaan kong matulog mag-isa ung anak ko?

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mali, kasi yun yung arrangement nyo ni baby mo. Ikaw naman mama nya so you can decide. Your baby, your rules kumbaga. Ayun nga lang if you're looking sa perspective ng magulang mo, maybe worried lang sila sa apo nila na baka mapano tapos walang bantay. Or maybe di sanay sa ganoong arrangement since usually ang mga baby po clingy sa magulang eh, lalo na sa nanay. Have you asked your pedia kung bakit ganoon po si baby out of curiosity? :) Anyway po, explain mo na lang sa parents mo na ganoon arrangement nyo ni baby and if they insist sa pangingialam nila, hayaan mo na lang po sila muna hehehe

Magbasa pa
2y ago

Ayun lang po. Alam naman na po pala nila set up nyo ni baby since dyan ka nakatira, so dapat di na sila magtaka hehehe. Di rin naman pala nila ikaw tinutulungan po kaya di rin naman sila dapat manghusga sa way ng pag-aalaga mo. Besides, iba-iba po ang mga bata diba. Alam naman nila dapat yun. Hayaan mo na lang po siguro sis, alam mo naman po na okay si baby sa set up nyo. Yun po mahalaga :)