Natutulog Mag-isa

Siguro isa sa rare cases ung baby ko na simula newborn ayaw magpakarga. Nagagalit sya pag kinakarga, nagtatantrums ba. Pag ihiniga na sya sa crib nya ayun masaya na sya uli. So it wasn't hard for me na turuan syang matulog mag-isa. Simula 1 month old sya mag-isa na sya natutulog. Hindi ko sya kinailangan ihele o kung ano mang kailangan kong gawin para matulog sya. 1 month lang din nya ako pinuyat. Ngayon 1 year old na ang baby ko, tinitira ako ng parents ko. Kesyo hinahayaan ko raw matulog mag-isa ung anak ko. E anong gagawin ko? Ang baby ko hindi matutulog hanggang nakikita nya ako. Bakit? Kasi nasanay sya na pag magkasama kami naglalaro kami. Mali ba akong hinahayaan kong matulog mag-isa ung anak ko?

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mali, kasi yun yung arrangement nyo ni baby mo. Ikaw naman mama nya so you can decide. Your baby, your rules kumbaga. Ayun nga lang if you're looking sa perspective ng magulang mo, maybe worried lang sila sa apo nila na baka mapano tapos walang bantay. Or maybe di sanay sa ganoong arrangement since usually ang mga baby po clingy sa magulang eh, lalo na sa nanay. Have you asked your pedia kung bakit ganoon po si baby out of curiosity? :) Anyway po, explain mo na lang sa parents mo na ganoon arrangement nyo ni baby and if they insist sa pangingialam nila, hayaan mo na lang po sila muna hehehe

Magbasa pa
2y ago

Ayun lang po. Alam naman na po pala nila set up nyo ni baby since dyan ka nakatira, so dapat di na sila magtaka hehehe. Di rin naman pala nila ikaw tinutulungan po kaya di rin naman sila dapat manghusga sa way ng pag-aalaga mo. Besides, iba-iba po ang mga bata diba. Alam naman nila dapat yun. Hayaan mo na lang po siguro sis, alam mo naman po na okay si baby sa set up nyo. Yun po mahalaga :)

Super Mum

Swerte ka momsh you should be thankful dahil hndi ka hirap sa pagpapatulog. Independent na po si baby. There's nothing to worry po. Si baby ko din ayaw magpakarga mas gusto nyang nasa duyan or bed sya. Sa abroad po mga babies ganyan po sila itrain, wala pang one year old pero ang bata hndi na katabi ang magulang sa room at hndi nagpapakarga. Wag po kayo makinkg sa sinasabi ng iba, kayo po ang nanay kaya alam nyo na wala po kayong pagkukulang sa pag aalaga sa kanya 😊

Magbasa pa

Ganyan din 2nd born ko ngayon.pag kinakarga ko sobrang babaw ng tulog pero pag nasa crib lang ayon sobrang haba ng tulog. 2 days lang din nya akong pinuyat pero 16 days pa lang siya ngayon sana di magbago πŸ™‚

ok lamg yan mumsh,sa ibang bansa nga lalo ng sa america baby palang sinasanay na nila sa kwarto magisa,di sila ng co sleep unlike dto stin kahit toddler na katabi padin natin minsan pa nga hinehele pa natin dba,

2y ago

True talaga yan momsh. Mga babies sa ibang bansa very independent sila, wala pang one year old hndi na nila katabi ang parents sa pagtulog at hndi sila palakarga ilapag mo lang sa crib naglalaro lng sila mag isa.

Hay Sana ganyan din Ang baby ko.... 27 weeks preggy here. Mahilig pa nman ako yumakap, bumalik.... Yung panganay ko 10 yrs old n ayaw pa Rin matulog mag-isa. Dapat pala new born pa pang sinasanay na.

Good job ka dyan mommy. Independent si baby mo sa pagtulog. πŸ‘πŸ‘πŸ‘ Ilabas mo na lang sa kabilang tenga ang sinasabi nila. Make sure lang po na from time to time nichcheck mo si babyπŸ™‚

Super Mum

walang mali dun mommy, anak mo yun kaya kahit ano pong ituro nyo sa anak nyo karapatan nyo po .. mas mgnda nga ung ganyan napapa sana all ako πŸ˜† keep it up mommy !

2y ago

wc mommy !

VIP Member

Wag ka masyado magpaapekto sis. As long as alam mong di ka nagkukulang sa anak mo at di mo naman talaga pinapabayaan. Independent na ung bata.. Ok na yunπŸ‘

Hindi nman po dka dipindi po kc yan sa situation ng pamomohay ninyo at isa bata pa siya ,dont worry mommy marami pang panahon na darating it make changes

Hindi naman, momshie. Ganiyan din baby ko 7w old na siya pero katabi ko siya sa pag tulog. hindi ko siya hinehele pag hiniga ko siya tulog kaagad