Epekto ng Hindi Pagbukod ?
Share ko lng momshies experience ko sa pakikipisan sa in-laws. Bago kami ikasal ng asawa ko sinabi ko na sakanya na gusto ko bukod, nung una di sya payag pero nag agree din sya. So before pa lng ng kasal may napareserve na siya na apartment at lumipat kami pagkakasal. Ok na sana, pero after 4 months bigla na lang sya nagdecide na lumipat na kami sa kanila,kasi dalwa lng nmn daw parents nya nasa bahay at hndi daw kami makaipon pag naupa. Kahit ayoko at sobrang labag sa loob ko tinanggap ko na lang para hindi kami magkahiwalay. Mag 2 months pa lang ng nakalipat kami namatay daddy nya, at yung pamilya ng kapatid nya na sa katabing bahay lang nakatira (pinagpagawa ng parents ng sariling bahay) lumipat dito sa amin para may kasama daw si mama pagtulog sa kwarto. Pero ang nangyari dito na talaga nakatira at kumakain. Ok lang sana na pinapaghugas ko sila ng pinagkainan at pinaglutuan sa umaga at pinapagluto ko sila sa gabi,nauwi ako ng maaga para makaluto. Tulong ko nlng sa pamilya. Pero napansin ko umasa na,at napapakialam pa pagluluto ko, nqpupulaan pa. Tapos biglang nalaman ko based sa parinig nla sa fb post nila issue pala sa kanila ang paggising ko ng late. Eh ang pasok ko eh late pa naman. Hanggang sa harapan na sila magparinig at mambastos, kaya umuwi ako samin. Pero sinundo ako ng asawa ko. Pagsasama namin mg asawa ko ang nagsu-suffer. Kalimitan s away namin about s kapatid nya at asawa nito. Hndi talaga ok ang pisan. Kung nakinig lang kaagad asawa ko sa akin. Hndi sana ako masstress ng ganito. Preggy pa naman ako. ?