Epekto ng Hindi Pagbukod ?

Share ko lng momshies experience ko sa pakikipisan sa in-laws. Bago kami ikasal ng asawa ko sinabi ko na sakanya na gusto ko bukod, nung una di sya payag pero nag agree din sya. So before pa lng ng kasal may napareserve na siya na apartment at lumipat kami pagkakasal. Ok na sana, pero after 4 months bigla na lang sya nagdecide na lumipat na kami sa kanila,kasi dalwa lng nmn daw parents nya nasa bahay at hndi daw kami makaipon pag naupa. Kahit ayoko at sobrang labag sa loob ko tinanggap ko na lang para hindi kami magkahiwalay. Mag 2 months pa lang ng nakalipat kami namatay daddy nya, at yung pamilya ng kapatid nya na sa katabing bahay lang nakatira (pinagpagawa ng parents ng sariling bahay) lumipat dito sa amin para may kasama daw si mama pagtulog sa kwarto. Pero ang nangyari dito na talaga nakatira at kumakain. Ok lang sana na pinapaghugas ko sila ng pinagkainan at pinaglutuan sa umaga at pinapagluto ko sila sa gabi,nauwi ako ng maaga para makaluto. Tulong ko nlng sa pamilya. Pero napansin ko umasa na,at napapakialam pa pagluluto ko, nqpupulaan pa. Tapos biglang nalaman ko based sa parinig nla sa fb post nila issue pala sa kanila ang paggising ko ng late. Eh ang pasok ko eh late pa naman. Hanggang sa harapan na sila magparinig at mambastos, kaya umuwi ako samin. Pero sinundo ako ng asawa ko. Pagsasama namin mg asawa ko ang nagsu-suffer. Kalimitan s away namin about s kapatid nya at asawa nito. Hndi talaga ok ang pisan. Kung nakinig lang kaagad asawa ko sa akin. Hndi sana ako masstress ng ganito. Preggy pa naman ako. ?

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mo Naman sis obligasyon na ipagluto sila noh hayaan mo sila magparinig NG magparinig irecord mo para iparinig mo sa Asawa mo Yung mga sinasabi kung Hindi talaga Kaya magbukod Kayo wag mo nalang pansinin nasanay Kasi sila na pinagluto Kaya nawili..ingat sis iwasan mo mastress gang maari .. praying for your peace of mind.

Magbasa pa

Ayaw ko rin ng may kasama, pamilya ko man o pamilya niya. Hirap ako makisama sa mga kapatid ko, dami ko rin naririnig. Tamad daw ganun. Mga baliw. Nagrerent naman kami ng partner ko pwro ngayon na kabuwanan ko na, bumalik ako samin para may kasama ako lagi. Pero grabe rin sumbat sakin dito hay nako gusto ko na makaraos.

Magbasa pa

Nakalagay naman po yan sa bible na Kelangan bumukod ang mag asawa sa kanilang magulang. Sa asawa mo paintindi yan. May mababait naman na byenan Kaso minsan hindi maiiwasan May masabi tlaga kaya Kahit mahirap Ndi makaipon Kelangan magtiiis para matuto din tumayo sa sriling paa tulungan na Lang po kayo. God bless.

Magbasa pa

Kami din nang asawa ko nakikisama pa hanggang ngayon Sa Mga Magulang Niya tas kasama namin Yung Kapatid nyang may asawa din sa bahay So Bali tatlong Pamilya kami sa Iisang bahay. . Yung Kapatid Niya Tamad Puro ako Taga Linis nang bahay taga Hugas nang Pinag kainan

Sus eh di bumukod. Mahirap po ba iyun? Ako nga working student lang kami tapos 8 mos lang nalaman ng mahulang namin na buntis ako. Pero nakabukod na kami nung 2nd trimester ko pa lang :) ang sinasabi ko mas malapit sa work at school kaya nagrent ako.

VIP Member

Maybe have another conversation with your husband again. Say na it's not healthy anymore for you and your baby to stress about these things. It's either pagsabihan niya yung kapatid niya o bumukod kayo. Sabi nga nila sa bahay, isa lang dapat ang reyna.

5y ago

Salamat po sa advice momsh!

Hay naku... Hndi mo kailangan mag paka stress... bumukod kayo, pag ayaw ng asawa mo... Eh di ikaw umalis... Naka ipon nga kayo, stress ka naman Kawawa si baby magpa ka lalaki kamo asawa mo... Dami nya arte

Magbasa pa

Totoo mhirap... Khit sa sarili mong pamilya pa.minsan ... Kame nkabukod naman, mhrp na msrap kse wla nangengealm sa inyo... Mhrap kse wla k maktulong , lahat ikaw ggwa.. pero atleast natututo tayo mgisa.

Bakit ikaw nagluluto sa kanila? May asawa naman pala kapatid nya edi mag kanya kanya na luto nalang kayo sis para walang arte sila. Hindi mo dapat sila pinagluluto lalo na buntis ka pa

Read niyo itong article nila Maricar Reyes and Richard Poon: Leave & Cleave 😊 https://www.facebook.com/256243017881377/posts/1365803133592021/?d=n

Magbasa pa
Related Articles