Epekto ng Hindi Pagbukod ?

Share ko lng momshies experience ko sa pakikipisan sa in-laws. Bago kami ikasal ng asawa ko sinabi ko na sakanya na gusto ko bukod, nung una di sya payag pero nag agree din sya. So before pa lng ng kasal may napareserve na siya na apartment at lumipat kami pagkakasal. Ok na sana, pero after 4 months bigla na lang sya nagdecide na lumipat na kami sa kanila,kasi dalwa lng nmn daw parents nya nasa bahay at hndi daw kami makaipon pag naupa. Kahit ayoko at sobrang labag sa loob ko tinanggap ko na lang para hindi kami magkahiwalay. Mag 2 months pa lang ng nakalipat kami namatay daddy nya, at yung pamilya ng kapatid nya na sa katabing bahay lang nakatira (pinagpagawa ng parents ng sariling bahay) lumipat dito sa amin para may kasama daw si mama pagtulog sa kwarto. Pero ang nangyari dito na talaga nakatira at kumakain. Ok lang sana na pinapaghugas ko sila ng pinagkainan at pinaglutuan sa umaga at pinapagluto ko sila sa gabi,nauwi ako ng maaga para makaluto. Tulong ko nlng sa pamilya. Pero napansin ko umasa na,at napapakialam pa pagluluto ko, nqpupulaan pa. Tapos biglang nalaman ko based sa parinig nla sa fb post nila issue pala sa kanila ang paggising ko ng late. Eh ang pasok ko eh late pa naman. Hanggang sa harapan na sila magparinig at mambastos, kaya umuwi ako samin. Pero sinundo ako ng asawa ko. Pagsasama namin mg asawa ko ang nagsu-suffer. Kalimitan s away namin about s kapatid nya at asawa nito. Hndi talaga ok ang pisan. Kung nakinig lang kaagad asawa ko sa akin. Hndi sana ako masstress ng ganito. Preggy pa naman ako. ?

32 Replies

Jusko, kwento ko ba to? Hahaha buti sayo sis kung ang kapatid ng asawa mo eh may mga trabaho, ang kapatid kasi ng asawa ko parehong tambay, may isang anak at nakaasa LAHAT sa amin. Imagine, sila naka aircon pero kami ni hubby bentilador lang? Pero kami lahat sa bills, sa foods as in LAHAAAAAAT. Tapos may gana pang awayan ako ng sis in law ko? Kaya ayun, lumayas sila sa bahay at dun na nakatira sa asawa niya. 2 lang silang magkapatid tapos malalaman ko na sinisiraan na pala kami ng sis in law ko tapos bigla kang tatawagan ng tita nila at aawayin dahil daw nag reklamo kami sa kurtnyente? Nako di ako nakatiis inaway ko SIL ko kasi sila naga itong palamunin, ang lalakas pa ng loob manira eh wala ngang ambag sa bahay. Pero sa case naman namin, wala na both parents ni hubby may sarisarili nang pamilya kaya ang bahay nila, walang nakatira tanging kami lang ni hubby hanggang yung kapatid niya, nakikitira sa amin na akala naman namin share kami sa bills. Paano nga naman kami mag sishare kung walang trabaho ang mga hayuuup 😅 pag uwi ko galing work, bibili pa ako sa merkado ng ulam tapos pag uwi ko ako pa magluluto, ako pa maghuhugas haha apakaswerte nga mga hayup ginawa akong katulong kaya one day hindi ako nakatiis nag away talaga kami (ofw si hubby kaya hindi niya alam nangyayari sa paligid ayaw ko siya ma stress) So ngayon, ako nalang mag isa sa bahay kumuha nalang si hubby ng katulong para may kasama ako habang wala siya

Oo minsan sinasabi ko din yan sa asawa ko kung bakit ang bilis nya kalimutan mga nagawa ng pamilya nya sa akin, hayaan mo na sis, mabait lang siguro mga husband natin sobrang pasensyoso kaya para sa kanila parang wala na pero sa part natin na mga babae sympre we tend to overthink eh gaya sa akin palagi ko sinAsabi na hindi nya ako pinanindigan pero yun nga, mahirap sa kanya kasi asawa niya ako tapos kapatid niya ang kaaway ko pero alam mo nung nabuntis ako (6 month na ako now), si mister talaga 100% wala nang paki sa sis niya kasi last week nautang sa akin kasi daw pambili ng gatas at diaper, sabi ba naman ni mister wag ko daw pautangin dapat daw matuto na silang mag banat ng buto hindi yung puro asa sila sa iba HAHAHA ayun mas lalong sumama loob ng SIL ko sa akin kasi feeling nya ako yung nagsulsul sa asawa ko na wag sya phiramin ng pera 😅

Kung sino pa ung pabigat sila pa ung matapang magparinig? Palibhasa teritoryo ng magulang nila kaya ganyan trato sayo. Kesyo mas may karapatan sila. Grabe lang. Pag usapan nyo po mag asawa yan, kase baka yan pa makasira ng pagsasama nyo. Dapat open kayo sa isat isa. Lahat sabihin mo. Ngayon kung magalit pa sya sayo, wala syang paninindigan bilang isang asawa at ama sa inyo ng anak mo. Instead na intindihin ka, wag sya magpapakita ng ugali na sya pa ang magagalit dapat both kayo nagkakasundo. Di porket gusto nya ay gusto mo na rin. Ganyan kasi magulang ko, inapi nf mga lolo at lola ko si mama, pero pinandigan ng tatay ko kahit walang wala sila. Nag bukod at the age of 19 yrs old. After nun never na sila bumalik sa bahay ng parents ni papa. Nakayanan naman nila. Konting sakripisyo lang.

I can relate po. Ganyan rin sitwasyon namin the only diff is di comfortable husband ko and ako na labas pasok sa bahay ng mom in law ko yung kuya nya at yung kabit ng kuya nya kasi hiwalay na ito sa wife nya. Parang na tolerate rin kasi ng mom in law ko yung kuya nya, bilang dun kami nakatira na stress kami sa sitwasyon na pati relationship namin mag asawa affected. We decided to move out. Suggest ko lang mag usap kayo mag asawa kesa pagsasama at pagbubuntis mo mag suffer. 24 weeks preggy na po ako and dito kami sa province now. Peacful life and happy mind. Sana mangyari rin ang gusto mo po. God bless and stay safe 🥰

Eto yung paulit ulit kung sinasabi sa partner ko na pinaka ayoko sa lahat eh yung nakikitira both side.... Hanggang ngayon mumsh pinag aawayan namin yung pagpupumilit nyang dito tumira sa kanila kesyo makakatipid daw. Kesya ganito ganyan. Ngayon pinagbigyan ko sya ang ending Double gastos kame , wala pang ipon kapos kapos pa lagi .. Mabait naman family nya pero iba talaga yung nakabukod kayo.. Sa sobrang bwesit ko sa kanya. Sinabihan ko sya na total mas gusto nya sa kanila tumira, eh magkanya kanya nalang kame .

Inisip ko din yun mommy nagwoworry din ako baka kakaaway ko sa kanya na magkanya kanya kame eh baka matulayan. Paktay kame ng anak nya ( 4months preggy)😂😂 pero pinakalma ko muna ng ilang araw pag iisip ko then tiniming ko na good mood sya. Kinausap at Sinabi ko lahat lahat ng saloobin ko para maintindihan nya.. Ayun ang ending para akong tangang nagsasalita na walang narinig na sagot.. Pero nag iisip din pala partner ko. Haha gulat nalang ako may bahay na syang nahanap. Lipat nalang daw kame after quarantine. Hehehe try heart to heart talk po kayo timing mo po na maganda mood nya.. Fighting po! Magiging Maayos din lahat ☺☺

Kaya kmi bumukod talaga sa simula p lng ng aming pgsasama kc ayowko na binabntayn ung bawat kilos at gawa q..gsto q kami lng ng asawa q ang batas sa bahay at kng anu mn ang gawin q mgagawa q..at sa budget na rn..mkakabudget ng maayos ng naaayon lng sa gastusin nyong mg asawa..marami kaung mgagawa kng nkabukod at matutunan sa buhay pamilya..pero payo q lng po try nyo na lmg po bumukod..kausapin nyo ng masinsinan asawa nyo po..GOd BLESS🙏

Depende.. Sobrang babait ng in-laws ko, wala ko masabi. Sa kanila kasi kami ni hubby habang nagbabayad kami ng bahay namin. Salamat sa Dios walang problema saka masaya kami sa bahay, mula mag jowa pa lang kami ramdam ko na talagang part ako ng fam.. Pero mabalik tayo sa iyo, magusap kayo maayos ng asawa mo. I trust na mahal ka nya kaya pakikinggan ka nya. Kausapin mo sya ng sobrang malumanay at iexplain mo side mo. God bless momsh!

Hi mumsh. Ung una bumalik kayo para may kasama parents ng asawa mo diba, eh lumipat na rin diyan ung mga kapatid at pinsan ng asawa mo so I think pwede na kayo umalis ulit haha. Explain mo nalang sa asawa mo ung nararamdaman mo about sa family niya lalo na buntis ka mahirap ung nasstress ka over diyan maaapektohan ung baby. Ipagpray mo rin na maintindihan ka ng asawa mo. Good luck sayo😊

Dapat asawa mo nagayos nyan sa pamilya niya.hindi niya dapat tinotolerate ang pangbabastos sayo.siya dapat unang una na nagtatanggol sayo.tama desisyon mo na umuwi sa inyo.wag ka sumama sa asawa mo kung hndi ka niya kayang ipagtanggol lalo ngayon na bawal ang stress sayo.parealize mo na ikaw ang asawa,ikaw na ang pamilya at ang magiging baby nyo.responsibilidad niya kayo.

Kakaloka yung mga ganyang lalaki. Sarap isoli sa nanay nila. 😏

Been experienced that also, ang hirap makisama lalo na kung ikaw ang nag aasikaso sa lahat sa bandang huli ikaw pa nakikitaan ng mali. Much Better tlga nakabukod lalo na kung may sariling pamilya na talaga. Mahirap kasi ganyan panay parinig ginagawa at minsan nakakabastos na 😔 pag dumating ang point na puno kna at naglabas ng sama ng loob sa kanila ikaw pa ang mali .

Maganda talaga nakabukod kahit mahirap ksi wala kang maaasahan kasi kayo lang mag asawa pro atleast sabay kayong dalawa na magasawa ang matututo na mag tutulungan sa mga obligasyon at gawain sa bahay. Sa simula mahirap pro pag naaral nyo na ng sabay kalaunan nagiging madali na din ang lahat. Samahan nyo lang ng dasal palagi sa Panginoon.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles