A VERY GENUINE, INSPIRING AND MOTHERLY ADVICE FROM A STRANGER

SHARE KO LANG: Nasa savemore ako, at habang naka pila sa cashier, karga2x ko baby ko kasi na buboryo na sya sa stroller. Tapos maya2x, sabi ni maam na nasa likod ko, "ang ganda2x naman ng baby mo, ang cute2x. Alagaan mong mabuti yan ha. Wag na wag mo pabayaan dahil precious gift ang baby. Palakihin mo ng may takot sa Diyos at palakihin mo ng maayos." Sabi ko naman opo,salamat po. ? Naalala ko tuloy mama ko. Wala na akong mama, at simula ng manganak ako kami lang ng father ng baby ko sa bahay at ni isang kamag-anak walang naka alalay kasi malayo sila tapos first time mom pa ako. At syempre ako lahat halos nag-aalaga kay baby. Kasi di naman natin ma i asa sa mga lalaki baby natin. I mean iba pag tayong mga nanay ang nag alaga talaga. Thank you so much po maam (nasa likod ?) for the inspirational words and advise. How i wish buhay pa mama ko. Kahit nanay na ako, kailangan ko padin ng nanay. ? Salamat Lord dahil sa mga taong ginagamit mo para magbigay ng inspirasyon sa akin para magampanan ko ng maayos ang pagiging ina ko.

A VERY GENUINE, INSPIRING AND MOTHERLY ADVICE FROM A STRANGER
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakaka inspire naman sis. Same tayo wala na ang mother ko. Pagkapanganak ko namiss ko mama ko lalo. As in naiyak ako. Iba parin kasi pag nasa tabi ang mama natin.

5y ago

Hugs sis. Mga kapatid ko naman, ate ko kapag bagong panganak sya, kahit papano nandun papa ko. Kahit na matanda sya at least presensya nya nandun. Asawa din ng kuya ko pag manganganak nasa tabi din nila si papa. Ako lang talaga ang sariling sikap. Habang nag lalabor ako, nasasambit ko nalang mama. 😭