MIL

Share ko lang, Naiinis ako sa mother in law ko. Pag dinadalaw si baby halik ng halik. Kahit sabihin na bawal halikan ang baby. Pero ginagawa parin Kami nga parents di namin hinahalikan si baby e. Normal po ba sa baby yung parang may acne sya na white and mapula na mga bumps. Inask ko na sa pedia, sabi mawawala naman daw. Nagreseta ng travacort if lumala. Kaso takot ako gamitin lalo na sa ibaba ng lips nya yung iba pumps. Baka makain nya. Cetaphil soap ni baby. Nakakainis kasi baka mamaya dahil sa paghalik!!

MIL
58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Baby acne po yan. Mommy, better na wag po talaga pahalikan si baby. Mahirap kasi si baby mag sa'suffer bandang huli. MIL ko halik ng halik din kay baby kahit pinagsasabihan na. Patago pa ring humahalik akala di mahuhuli. Then yun, na diagnosed baby ko na may Hand foot and mouth disease. Punong puno siya ng rashes sa katawan. Nagtutubig. Malala is yung sa loob ng bibig niya. Iyak lang siya ng iyak. Di makakain, makadede at makatulog ng maayos. Wag po pumayag na halikan si baby. Magalit na kung magalit. Prevention is better than cure.

Magbasa pa
6y ago

Yun nga po ang kinakatakot ko 😢😢