Opportunity lost?

Hi! Share ko lang yung pakiramdam ko ngayon, which is napaka heart breaking in terms of opportunities. Kakapanganak ko lang mag 4months na 😊 before ako manganak may work ako which is pinilit ko talaga asawa ko noong 2021, halos lahat naman tayo dumaan sa financial crisis diba? Nag work ako as Accounting Asst. okay naman, lalo na yung sahod pero syempre dahil gusto ko na sundan yung first born ko, prayers granted naman at super happy and blessed. Pero, hindi ko ineexpect na mas maselan pa pala yung 2nd born ko, nawalan ako ng work kung kailan nag increase na ng sahod. Sabi ko pa naman sa sarili ko kahit hanggang 7 months lang then file na ako ng leave pero 1 month pa lang hindi ko na kinaya nagpasa na ako resignation then, hindi ako nakapag turn over sa office through online lang at pumunta pa rin ako ng office once para maayos yung iba pero tagged as AWOL na ako. Ang sakit lang kasi 1 year and 3 months din yon. Hanggang sa umabot kami na nawalan din ng work yung asawa ko, end of contract as Data Encoder, umasa lang kami sa backpay nya. Nakahanap sya ng work after that pero, saktong Nov 2022, tinanggal sya, shems! Kung kailan manganganak na ako. May ipon naman kami pero hindi sapat repeat CS kasi ako. Hanggang naging callcenter sya, unang sahod nya dispute agad, I mean kulang ganun. Doon na kami lalo nagkabaon-baon, pero eto okay na nakakaahon na kami sa awa ng Diyos 🙏😊 Eto na ang Opportunities lost ko this year... Nag message yung friend ko hiring sila for Office Assoc. Ang laki ng starting salary which is sahod ko bago ako umalis sa trabaho. Pero dahil nga kakapanganak ko lang at iniisip ko yung status ko na AWOL at higit sa lahat wala akong mapag iwanan ng mga anak ko. Hindi ko naman pwedeng dalhin sa side ng asawa ko dahil hindi rin naman sila maaasikaso ng pamilya nya kasi mga busy din, sa side ko naman separated na parents ko, yung Mama ko nasa malayong lugar hays. Kaya ayun tinanggihan ko. Nakakahiya kasi willing talaga pero madaming dahilan para tanggihan. At eto pa, hiring sa company na malapit sa amin at dream company ko din kasi sobrang laki na ng company na yon, unlike before 2017. Hiring sila ng Accounting Assist. syempre hindi ko pa rin pwedeng apply-an kasi nga wala pa ring magbabantay sa mga anak ko. Wala na rin akong pake kung magkano sahod kasi sulit kapag doon nagtrabaho, walking distance na at maganda pa ang management nila. Tas nakita ko sa ibang bansa yung team building nila. Ngayon ko na lang ulit naranasan na parang may napigtal sa puso ko (yung tinatawag nilang heart string legit yon kapag nasaktan ka talaga) hindi man ako sa inggit kasi dream company ko talaga yon, pangalawa sya sa mga banko. Ayun, mahirap kapag wala kang maaasahan mag-alaga ng anak mo. Pero, will din siguro to ni Lord na alagaan ko ng mabuti ang mga anak ko 😊❤️ sinasabi ko na lang lagi sa sarili ko, may ibang plano si Lord sa akin. Sorry ang haba ng kwento ko.

2 Replies

Trending na Tanong