Hoping
Hi. Share ko lang tong sitwasyon namin ng father ng baby ko. Hingi narin po ako ng advice and opinion. 23 yrs old ako, turning 4 months yung baby ko and 21 yrs old yung father nya. Hindi kami in a relationship, magkaibigan lang kami and suddenly naging mapusok at nag bunga. Habang nagbubuntis ako nun aware ako na nagkaka-feelings na ako for him tho indenial ako. Pinaniniwala ko sya at ang sarili ko na dahil lang yun sa pagbubuntis ko kaya siguro attached ako sakanya. Until I gave birth alam ko na sa sarili kong mahal ko na sya. Pero bago ko pinasok tong kagagahan ko alam ko na kung sakaling ma-fall ako sakanya talo ako at umpisa pa lang naman malinaw na sakin na baby lang yung pananagutan nya. Yesterday nakapagusap kami tungkol sa sitwasyon namin. Naging honest sya sakin, hindi nya kayang ibalik yung pagmamahal ko sakanya. Tho alam ko na yun simula't sapul. Masakit lang talaga! Pero wala akong ibang pwedeng gawin kundi umiyak at tanggapin yung katotohanan. I'm still praying na sana kami na lang sa dulo. Hanggat maaari kasi sana ayoko na ng ibang lalaki sa buhay ko at natatakot ako para sa anak ko. Gusto ko rin sanang ibigay sakanya yung buong pamilya. Sorry. Wala kasi akong ibang makausap tungkol dito. Ang hirap sarilinin. Ayokong i-open sa pamilya ko o sa mga kaibigan ko. Thanks in advance sa mga opinion at advice nyo.