NB Ear infection

Share ko lang po experience namin for awareness, yung baby ko is 6weeks old, napansin namin nung sunday na may diacharge yung left ear niya, mabaho. Pinacheck up namin siya nung monday, ang sabi ng doctor need daw siya iconfine kasi baka tumaas sa utak yung infection mas delikado daw, saka pag nagkasakit daw talaga ang less than 3mons need talaga icoonfine, ayun sabi ng doktor dapat daw kahapon pa siya dinala kasi palagay niya daw nung friday pa yun nag start. W/c is satingin ko tama kasi may discomfort na siya nung friday palang pero akala namin nag babago lang siya ng panahon yun kasi sabi ng mga tita ko, wag daw ako mapraning dahil normal daw yung ganun sa baby. Pero feeling ko talaga may mali sakanya, iba ang instinct ng nanay kaya pag feeling niyo may mali sa anak niyo ipacheck up niyo na wag kayo makikinig sa ibang tao kasi kayo ang makakaramdam niyan. Ayun naconfine si baby ko ng 3days, hinanapan siya ng ugat para malagyan ng dextrose, naka tatlong tusok sakanya palaging hindi nag tutuloy manipis daw kasi ugat. Hanggang sa sumuko yung nurse sabi ng doktor kung mahihirapan lang daw sa dextrose wag na daw lagyan, direkta iniinject sakanya yung antibiotic. Nakakaawa talaga. Sabi ng doktor kaya daw nagkaganun, possible na napasukan ng tubig nung naligo, pwede din napasukan ng insekto o ng gatas or suka, side lying kasi siya dumede, tapos nag susuka siya minsan kahit tulog kaya baka hindi ko napansin. Iyak ako ng iyak nun kasi feeling ko napabayaan ko yung anak ko, feeling ko hindi ako mabuting ina, feeling ko hindi ko siya naaalagaan ng maayos at feeling ko ganun din ang tingin ng ibang tao sakin. Sinisisi ko sarili ko talaga sa nangyari sakanya at awang awa ako. Kaya kayo mga momsh ingatan niyo anak niyo, bantayan niyo po sila maigi kasi sobrang sensitive nila. Sa ngayon po nakalabas na kami sa ospital pero kulang pa siya ng tatlong injection kasi 1week antibiotic ata yun need daw kompletuhin. Ayun po God bless satin lahat

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thankyou momsh for sharing your experience with your lil one , ill keep that in mind . Godbless you and your baby momsh