Pregnancy Announcement sa family
share ko lang pano ko sinabi sa nanay ko na buntis ako. actually hindi ko din alam pano ko sasabihin kahit 33 na ako lol. humahanap lang ako tyempo nung bumisita kami sa kanila. (sa las piñas pa sila eh currently residing kami sa north caloocan.) ayun habang naghahanda sya ng food namin, bigla syang tumambay dun sa pinto habang kausap kami kaya sabi ko "nay pumasok ka, wag kang tumambay dyan may buntis dito." hahaha (knows nyo ba yung pamahiin na yun?) pero grabe sya, sino daw yung buntis? yung pusa namin? eh lalake yun hahaha. di pwedeng ako nay? babae ako. eme. ang fun lang, charot. hahaha. gulat sya nung sinabi kong buntis ako. pero happy sya at magkakaapo na daw sya ulit. sya una naming sinabihan. sabi ko kase, dapat mother ko unang makaalam in person. bago pa mga friends ko, o family ng mister ko. kayo mga mhie, maliban kay hubby, sino una nyong sinabihan?