Sleep Training
Share ko lang mga mommy, nakakatuwa kasi 5 nights ko na to ginagawa kay baby. 8pm o 9pm lights off na kami sa kwarto, tapos sya mag dede okaya paikot ikot dito sa kama after 10-20mins tulog na. Hehehe nakakatuwa talaga, kasi noon hinihintay ko pa sya antukin at ihehele ko pa. Nabasa ko lang to sa isang fb group. 6months old na ang baby ko, sana pala noon ko pa inumpisahan ang ganito. Dati napupuyat pa kaming dalawa, pero ngayon nasa sanay na din sya. At derecho na tulog nya until 7am.