In-Laws

Share ko lang mga mamsh kase sobrang di ko na kaya sarilinin eh? Ang bigat sa dibdib,sobrang sakit? I am current 34 weeks and 5 days pregnant,nakatira kame ng partner ko sa side nya. Suddenly,yung ate nya (panganay) na may-ari ng bahay ay pinapaalis na kame sa bahay? I feel attack? Kung kelan malapit na ko manganak? Bakit?? Bakit ginaganito nila kame ngayon ng partner ko? Sobrang bigat mga sis sa dibdib ko?? Alam nilang sapat lang yung kinikita ng partner ko para pang-kain namin araw-araw eh,I even sacrificed my check ups wag lang kame mag-sort sa budget for the whole week kase mahirap magutuman ang buntis pero sila di man lang nila naisip yung kalagayan ko?? Ganito pala yun,pag di kayo tanggap ng pamilya nya?? Yung papa ng partner ko ayaw kame paalisin,pero ako gusto ko na umalis kase ayoko ng may marinig pa galing sa kanila?? Sobrang durog ako para samen ng anak ko?? Alam nilang bawal ma-stress yung buntis pero ginanito nila ko? Sobrang nakakasama ng loob? May nahanap na kame ng mauupahan pero wala kameng pera pang-down? Kung kani-kanino na kame lumapit para mangutang at makabuo ng pera pang-upa pero wala pa din?? We only have 3 days to move out? Di ko na alam iisipin ko?? Sobrang sama ng loob ko?? Mula pa nung lunes iyak ako ng iyak hanggang ngayon??? Nakakaramdam ako ng sakit ng tyan hanggang pempem pero kinakausap ko si baby na wag muna,na kaya namin to?Pero mamsh kahit anong motivation gawin ko sa sarili ko sobrang down pa rin ako kung saan kame makakakuha ng pera? Di ako lumalapit sa magulang ko kase wala din sila?? Naaawa ako sa amin ng partner ko at ng anak ko?? Grabe tong ginawa nila sa amin???

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hinga ka munang malalim sis. Kalma ka muna at wag kang pastress, lalo kang di makakapagisip ng maayos po. At isipin mo si baby mo kung magiging mahina ka. Tatagan mo ang loob mo, di yan ibibigay sayo ni Lord kung di mo kaya. Kung pinapaalis kayo, try niyo po muna sa family mo. Or magusap kayo ni Mister kung ano yung pwede niyong gawin. Dapat magkaroon kayo ng plan, kung ganyan ang sitwasyon ngayon. Part yan talaga ng pagbuo ng family, talagang minsan sinusubok kayo. Jan kayo masusukat kung pano niyo hahandle yan at kung pano niyo magagawan ng solusyon. Sooner or later din naman talaga kailangan niyong bumukod. Wala naman po kayong magagawa kung mismong may-ari na ng bahay yung magpapaalis sainyo, mahirap din naman isiksik niyo sarili niyo jan.

Magbasa pa
7y ago

Pagpray mo na din po yung sitwasyon niyo. Malalagpasan niyo din yan. Pakatatag at lakasan mo loob mo.