Mean Byenan ( long post pero please lift me up)

Sanay na akong mag stay lang sa kwarto, so parang di na bago sa akin ung quarantine. Pero di ko pa din maiwasang mag alala dahil sa sitwasyon ko at malapit na din ako manganak. Di ka din pwede basta lumabas para bumili ng kailangan mo. Sobrang pahirapan lahat. Ultimo buďget, apektado. Pag gantong patapos na yung bwan, medyo tight budget na..lalo ngayong may lockdown. Ramdam mo ung crisis. Matagal n akong nag resign sa trabaho para makapag focus sa pag bubuntis ko. OFW ang husband ko. Kada padala nya, iba yung budget ko at yung expenses sa bahay. Bnibigay ko s byenan ko yung para sa bahay basta ung pangpacheck up ko, sa vitamins etc..tinatabi ko. Etong dumating ang lockdown, medyo nagulo ang budget dahil s panic buying, nag mahal ang bilihin, natigil din business ng byenan ko. Dumating na sa punto na nagpahiram na ako ng pera sa byenan ko para pang dagdag budget sa pagkain. Last money ko yun, pero nagpabili na lng ako ng gatas since madami pa naman vitamins ko. Isa pa, di naman ako madamot. Pede naman ako mag kanin at kung nagugutom ako. At eto na, wala ng budget. ? paubos na din gatas ko. Inutusan ako ng byenan ko n manghiram sa kapitbahay (wala na kasi ako maipahiram, dahil wala na talaga) na nauutus utusan namin mag drive papuntang palengke. Pandagdag daw sa foods dito sa bahay. Nakahiram ako at kanina namalengke sila. Bago sila mamalengke, chneck pa nya tray namin kung anong kailangang bilhin. Nakapila din yung tray ko dun. Sinadya ko ilabas un tray nung hiniraman nya ako ng pera para makita nya na kung hanggang kelan lang aabutin nung pinabili kong gatas sa kanya. Wala pang 1 oras, naka balik sila. Nakapamili naman. Vitamins nya, nung dalawang apo nya, mineral water (3 galons para sa apo nyang may kagagaling lang fr allergies) crackers (para din sa apo nya) tsaa, asukal etc. Nabili nya lahat...maliban sa gatas ko. Di ako kumibo..tinitignan ko lang syang mag ayos ng pinamili nya. Parang wala lang sa kanya na makitang walang laman yung tray ko kundi yung 2 scahet ng Energen - na hanggang pang ngayong araw ko na lang? tangina gusto ko maiyak..di ako nag damot kaht maalanganin kami ng baby ko. Alam nyang wala na akong pera. Pero di nya binili yung kailangan ko. Hindi ko alam kung baka nakalimutan nya lang, o mali na di ko sya nasabihan, o ang focus nya e dun lang sa ibang apo nya..Ayun, sabi nya sa akin ubos na daw yung nahiram na pera. Sabi ko na lang "wala..ganun talaga ang pera" pero sa loob ko, naubos ung perang ako pa nakipag usap na hiramin pero ako naman yng walang napakinabangan. Ni di nga sya nagtanong kung may vitamins pa ba ako o ano. Alam naman nya siwasyon ko. Ewan ko kung nagiging sensitive lang ako o baka unfair na talaga. Di ako mka daing sa asawa ko kasi ayoko mag away sila. Kinakausap ko na lang baby ko sa tummy ko na babawian ko sya after kong manganak at maka recover. Lagi ko isesecure needs nya, di na baleng masabihan akong madamot. Kasi ang hirap pag ikaw na yung mawawalan tpos di ka naman tinutulungan. ?? Ang hirap pag di kasama ang asawa habang nag bubuntis.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi masama magdamot lalo kung nakasalalay don ang needs ninyo ni baby. Dapat unahin mo pa din pangangailangan nyo mag ina. Next time mommy wag ka magbigay lahat magtira para sa sarili. Di bale pasasaan ba at matatapos din etong pandemic na eto. Keep safe

I feel you, kea dapat sa atin laging may tagong pera.. Para sa oras ng kagipitan may mkukuhanan, kawawa din yung bata.. Mahirap talaga pag nakikisama ka lng.. Wala ka magagawa, maging wise ka nlng bilang magiging isang ina kna din. Mas isipin nlng yung bata.

5y ago

Di lang to ung unang beses n nangyari. Pag may hiram syang pera, ibabalik nya sken kalahati lang..so ako nahihiya na singilin pa ung balanse kahit ako na yung nagigipit. Pero nakakapag adjust ako. Pero iba sitwasyon ngayon, wala nga kasigiraduhan kailan matatapos tong virus na to. Tapos parang di pa din iniisip sitwasyon ko. Tama ka po. Magiging wise na ako. Naaawa ako sa baby ko. Di na baleng masabihang madamot. Basta di mapag iiwanan ang anak ko.

Mahirap talaga, momsh, na nakitira sa biyenan. Kaya ako ayoko makitira sa biyenan ko, bahala na maghirap ako basta sarili ko. Bumukod na lang kayo kasi may kaya naman husband mo. Pag sa akin nangyari yan naku kokomprontahin ko byenan ko

Pwede ka naman mami magsabi sa husband mo. Pero passive tone lang, yun bang hindi ka naninisi na kesyo di ka binilhan ng byenan mo. Sabihin mo lang na wala ka ng pambili. Para di sila magaway. Mahalaga yung needs niyo ni baby.

buti nlang mga byenan ko mababait skin lalo na my apo na sila d nla ako pinababayaan...bihira lang tlga mkatagpo na byenan na mbait sau nd sa apo nla.mas maganda tlga bumukod nlang para wla masabi hirap din kc nkikisama

Number one talaga na dapat gawin ng lalaki ay ibukod ang pamilya niya. Sana sis bumukod na kayo asap. Minsan kahit gaank kabait ang byanan, sarating ang time na hindi kayo magkakasundo lalo na sa pera.

True mamsh pero sige lang lakasan mo lang loob mo pakatatag ka lang lalo na't malayo kayo sa isa't isa ng hubby mo 😔

Dapat talaga nakabukod tayo sa mga in-laws natin. Kahit mababait pa sila.

VIP Member

Umpisa na yan. Marami ka pang madidiscover na attutide ng byenan mo