Sharing my sorrow.

Sabi nila time will heal the pain. Pero bakit ilang taon na nakalipas Hindi ko pa Rin malimutan Yung hirap na dinanas ko? Alam Ng hubby ko na narape ako nung 7yrs old ako, at 9yrs old. he always cheer me up and Sabi nya tanggap nya raw. Pero bat ako hnd ko malimutan? Sobrang sakit kase iniisip ko Kung totoo ba na tanggap nya? Baka iwan nya ko? My hubby is my best friend. Hnd Alam Ng parents ko Ang nangyare saken kase takot na takot ako that time. Kay hubby ko Lang inopen lahat bago pa kami magsama. Almost years na lumipas at masaya naman na ko. Pano ba mawawala tong sakit na nararamdaman ko?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hugs mommy. You may want to talk to your inmediate family about your experience. Minsan nakakagaan ng loob pag sinabi mo ang nararamdaman mo. Hindi man matanggal ng buo ang pain emotionally, malaking tulong na makita at maramdaman mong maraming nagmamahal sayo. Salamat sa blessing ni Lord dahil binigyan ka nya ng katuwang sa buhay na tanggap ang pinagdaanan mo, at maraming salamat dahil andito ka para mahalin din nya. Hindi man kita kilala personally at hindi ko man alam ang pakiramdam ng nasa katayuan mo, sure naman ako na binigyan ka ng blessing ni Lord sa katayuan ng partner mo at ng pamilya mo. God bless momsh ❤

Magbasa pa