54 Replies
Breastmilk lang po. Lagyan mo ng breastmilk mo yung bulak tapos ipahid sa mga rashes nya. Minsan nga sinisirit ko na sa mukha ni baby yung gatas ko nakababad sa kanya mga 1 hour before sya maligo. Tapos after 1 hour paliguan, yung tubig na pampaligo pinipigaan ng kalamansi. Yung kalamansi kasi nakakaputi at nakakakinis ng balat. May ganyan din baby ko pero di ganyan kadami. Ganun ginagawa ko breast milk nakababad sa mukha nya ng 1 hour tapos liliguan, may kalamansi yung tubig panligo nya.. Ngayon ok ok na balat nya. Tapos make sure din po na hindi maalikabok ang paligid nya. Yung mga punda ng unan kumot at higaan nya siguraduhin malinis lagi. Wag ka din muna kakain ng malansa mommy kasi baka allergic sya. Nadedede ng baby mga kinakain ng mommy kaya make sure na healthy foods lagi.
Pacheck up mo na mommy andami kasi..kawawa naman si baby kc mainit din ngaun mas iritable sa feeling nia yan.. Pero if ever try mo cetaphil gentle cleanser sa bulak tas sprayan m onting water..then eczacort ganun nirecommend ng pedia ni baby pero kc onting rashes lang un s kanya Ipacheck m muna
Mommy sino sino po ang humahalik kay Baby? Kung si Daddy or mga boys sa family na may bigote,yan po epekto nyan. Kaya po pa new born bawal po talaga halikan. Kahit saang part pa po kasi na iiritate po ang skin ni baby. Twice ko na po naexperienced yan sa dalawang anak ko.
ganyan din po ngyare sa baby ko pinaliguan ko lang po sya araw araw ayun nawala nman . 2weeks pa lang po baby ko . init po ng katawan ni baby yan . mawawala din po yan bsta paliguan nyo lang po araw araw . bago nyo po sya paliguan pahiran nyo po sya ng gatas mo mommy ..
Hi momshie ganyan din po si l.o qo ganyan din sinabi sakin ng parents qo pero pinahchecj up qo prinescribe ng topical cream try mo hydrotopic atsaka baka hindi niya hiyang sabon niya dati aqi cetaphil pero nagchange muna aqo sa trisopure unscented siya atsaka mas mura
Mommy un gatas mo ilagay mo sa bulak bagu ka maligu ipahidan mo prang pinaka facial na nya yan breast feed mo maalis yan, ksi kadlasan nakasusu sya sa atin sa mga kinakain din ntin kaya gnyan or allergic sya sa alikabok or sa sabon mommy try mo din palitan
ganyan din po sa baby ko 2months n xa ngyon .kusa po yan natatangal huwag lng ggamitan ng matutusing na body wash para sa baby .mula po sa panganay ko na baby meron yan .ginagamit ko lng po panglinis .lactacyd baby wash .matutuyo yan
Hydrocortisone po na ointment, mommy. Effective po siya. Recommended by my daughter's pedia. Apply niu lang po thinly sa morning and evening. Mga 2-3 days nawawala na po siya. 200+-300+ pesos lang po ata yan sa drugstore.
I don't know kung sa sabon yan or talagang natural lang (sabi nila). Kasi mommy yung sa baby ko wala naman ako pinahid pinalitan ko lang sabon nya ng lactacyd. Kusa naman sya nawala e.
Nagkaganyan din po baby ko non pero sa leeg. Ayoko sya pahidan ng ointment kaya ang ginawa ko po dahon ng bayabas na pinakuluan tapos hinalo ko po sa panligo ni baby. 2 days gumaling na.
Cherisa Piangco