NAKARAOS DIN!!! (PS: Super Haba)

Rance Aiden (39 weeks) November 17, 2019 @ 4:37 PM 7.72 lbs / 3.5 kg NSD LMP: November 8 EDD: November 23 Ayan na! Nakaraos din sa wakas! Yung tipong atat na atat na ako makita siya nung mga nakaraang linggo pag dating palang ng 37 weeks niya. Lahat na ng pang induce ginawa ko. Todo lakad, squats at nag zumba pa ako. Pineapple rin tapos kung anu ano pang ginawa ko. Maliban nalang sa Castor Oil. So ayun na nga, sabi ko kay hubby nung gabi ng November 16 sleep na siya tapos ako nanonood lang ako ng Attack on Titans sa Netflix. Nag November 17 na ng mga 12:35 AM, may nafeel akong lumabas sakin na medyo madami. (Naka hug pa sakin si hubby nito) Nasa isip ko baka discharge lang tapos nasundan ng madami ulit. Then may sumunod ulit. Ginising ko si hubby kasi sabi ko may lumalabas sakin, medyo groggy pa siya nung ginising ko. Sabi lang niya baka discharge. Sabi ko hindi. Talagang panubigan ko na to kasi ang dami. Pag bangon ko biglang lumabas ulit na madami. So tumayo ako agad kasi yung kama ko mababasa. Ayun na. Umagos na sa legs ko yung tubig. Sabi naman ni hubby ligo na ako. Kalmado lang ako kasi wala pa akong nafefeel na contraction o kahit ano. Tinawag ko pa tatay ko sa baba at yung kasama namin na maliligo na ako kasi pumutok na panubigan ko. Fast forward sa ospital. So syempre check check then IE. 1-2cm palang ako. Hanggang sa inadmit na ako at dinala sa labor room ng 4am. Akala ko yung light contractions ko ganun na pakiramdam ng nag lalabor. Sinaksakan na ako ng pampahilab. May evening primrose rin sa destrose at yung pinasok sakin. Dito na po nag umpisa yung kalbaryo ko. 8am nag IE sabi 3cm palang ako. Sumasakit sakit na siya ng medyo malala. Mga 11:30 sabi naman 4cm palang. At this time naiiyak na ako sa sakit kasi yung contractions ko every 2 mins na. Sabi ng doctors sa ospital ang lalapit na nila. Hanggang sa di ko na kaya yung pain. Sabi na ako ng sabi na di ko na po kaya. Nahihirapan na ako sabi ko. Sabi lang nila kaya ko yan. Nag hanap ako epidural, yun pala sa public di sila nag gaganun. Wala raw anesthesia pag sakanila. Parang feeling ko nawawalan na ako ng pag asa sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko na nun magpa CS pero syempre naisip ko gastos at ayaw ng mga OB sa QCGH. Nababaliw na ako sa sakit nung time na yun. Mga 2 PM grabe na talaga yung sakit tapos nalaman ko 5cm na. Ang ingay ko na sa loob ng labor room. Sabi sakin mapapagod daw ako. Sabi ko lang hindi po. Tapos maglakad daw ako or maligo kung gusto ko. Ginawa ko maligo nalang. Talagang dugo na umaagos sakin nung nasa CR ako. Sobrang lamig ng tubig pero kebs lang kasi sobrang sakit ng contractions ko. Halos mapaluhod na ako pero tiniis ko. Pag balik ko nag IE ulit. 8cm na ako. Dun na yung grabe na talaga. As in grabeeeeee. Napapahiyaw na ako habang umiire. Sabay mga 4 PM naging 9cm na ako. Sabi nila sige lang ire lang practice raw kami. Pinapaready na yung table sa delivery room. Jusko po talaga. Napapadasal na ako sa sobrang sakit talaga. Manhid na yung legs ko pero nasa isip ko yung anak ko na need ko ilabas ng safe. Ire ire lang ako. Tapos yung huling ire ko muntik na lumabas anak ko. Haha. Nagpanic yung nurse at sinabi sakin na hold ko muna raw. Sabi ko hindi ko na po kaya. Lalabas na po siya. Dali dali nila akong dinala sa delivery room ng 4:30 PM. Nilinis pa ako pag lagay sa table at nag prep na lahat ng mga staff at doctor sa loob. Pinaire ako ng isa muna. Tapos sabi sakin na sunod na hilab ilabas ko na lahat ng lakas ko. Yung sunod na hilab grabe yung ire ko. Napaka ingay sabay may dumagan sakin tapos ramdam na ramdam ko yung hiwa sakin. Pero hindi ko pinansin. Talagang tuloy tuloy ire ko. Kahit na hindi nila sabihin na iire pa tinuloy ko. Ayun. Lumabas agad anak ko tapos pinatong na sakin. Totoo talaga yung mga sinasabi dito na mapapa thank you lord ka talaga pag labas ng anak mo. After nun nilinis na nila baby ko. Nakatingin lang ako sakanya kung san siya dalhin. Kahit na tinatahi nila ako at ramdam ko. Keber lang ako. Sobrang manhid na ng legs ko nun. Pag patong sakin ng baby ko gusto ko na umiyak sa sobrang saya na kasama ko na siya. At hindi ko akalain na napaka laki ng anak ko. Jusko. Mukha na siyang 1 month old. Hahaha. Sobrang saya ko lang na kasama ko na baby ko and may behave akong baby kahit papano. Dede tulog lang talaga siya. Iiyak lang pag di makadede sakin ng maayos dahil flat nipples ako. Pero mahal na mahal na mahal ko baby ko. Hai. Overflowing with love talaga nararamdaman ko.

NAKARAOS DIN!!! (PS: Super Haba)
139 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy bat po na induce kayo kaagad? Kasi yung akin, 12:45 am naramdaman kong nagleak yung panubigan ko. Tinawagan ko ob ko 7 am na ako pumunta ng hospital. Yung midwife dun pagka ie sakin e 1 cm plng tsaka vaginal discharge yung sa kanyang finding. Pero si ob pina admit lang ako under observation. Hindi namn ako na induce pero yun nga lang 8 pm na nag active labor nako. Nilagyan lang ako ng epo sa pwerta.

Magbasa pa
5y ago

Ah kaya pala hehe congrats!

buti po nakapanganak kau sa QCGH ako pinauwi pa ako 12 30 ng madaling araw.. nung manganganak nko kase 1cm palang daw.. lumipt kmi sa iba saktong 1 30 am nanganak nko.. buti nga d ako naabutan ng pag panganak sa sasakyan hayy grabe.. BTW congrats po mommy😘

5y ago

Kung sakali pala magkasabay tayo sa ospital. Hahaha. Dami na nagpalit palit sa labor room tapos ako naiiwan lagi.

buti na lang po at di kayo nagpa CS, at least di na madadagdagan yung sakit after manganak at matipid pa. wish ko rin normal delivery pero kinabahan ako sa kwento nyo haha 37w2d na ako, niresetahan na ako evening primrose at pinapaglakad lakad na ako hehe

5y ago

Oo nga po eh. Talagang normal kung normal eh. Pero mas okay nga po talaga pag normal.

Ganyang gnyan yung nafeel ko sa first bb ko momsh.same situation po kita noon😊kala ko lang pag ginamitan mo ng pam pa induce mabilis lang labour mo, same lang pala...mas mppabilis lang pala yung araw.. Congratsss po.. Next month ako naman😊

Mbuti pinalakad ka pa at pinaligo.. saken noon pag pnubigan pmutok na di n ko pinalalakad kc matutuyuan dw ako mmatay ang baby kaya alumpihit ako s sakit s tyan sa pag labor ng nkahiga mag antay hnggang mag 10cm😭😭

5y ago

Oo nga po eh. Tapos nanginginig na ako sa sakit nun. Hahaha. Ang ingay ko sa banyo. Sabi lang nila wag magtagal masyado pero kasi nasa 5 or 6cm palang ako nun kaya rin siguro sila pumayag.

Haaaaay momy habnag binabasa ko to na post mu po ..... haaaay napahinga ako ng malalim ... congrats .. aq kc sa jan 2020 edd ko .. natatakot na nga ako sana makayanan ko normal delivery din sa baby ....

5y ago

Kayang kaya mo yan mamsh. Hehe. Worth it lahat ng pain pag narinig mo na iyak ng baby mo. Tsaka focus ka lang sa pag ire. Dun mo talaga gagalingan. Hahahaha. Good luck! ❤

i feel u mommy, parang nung ako ganyan den kaso pag dating ng ob ko kinausap na ko na hinay hinay daw hehe,pero ako lakas ko.umire at may halong.sigaw pa...Congats mommy

5y ago

Worth it lahat lahat. Hahaha.

Congrats mommy..parang nakakatakot maglabor base sa kwento nyu..haha pero kakayanin kase lahat tayo dumadaan dun..kaso mukang masakit talaga..naiimagine ko lang..hehe

5y ago

Haha sana nga momsh..

Nakkakaba yung kwento mo mommy 😅 prang damang dama ko yung sakit na naramdaman mo hahaha 😂 Anyway ! Congrats po mo maamssh !

congratulations mommy. welcome to the outside world baby.😍 tnapos ko tlagang basahin para kahit paano mkkuha ako ng idea