#QOTD Tuesday: Tinutupi mo ba agad ang mga sinampay kapag natuyo?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Tinutupi mo ba agad ang mga sinampay kapag natuyo?
504 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi πŸ˜„ im a working mom po kasi, 6days a wk ang pasok every sunday ang labada day. so kapag natuyo na kahit gusto ko ng tupiin diko pa matupi cos busy at paguwi naman sa gabi alaga na kay baby. lagay nalang muna sa aparador ang mga damit πŸ˜„

VIP Member

minsan natutupi ko kaagad, pero paggising na si baby ko naku po hindi na ako makakilos kasi pakalong na siya kagad and I have to attend to him right away para hindi umiyak.. pero pag tulog si baby at tuyo na ang sinampay tupi kagad.

Depende po... kasi minsan, tinatamad akong magtupi... minsan hindi... hehehe... tapos sumasakit kasi likod ko lalo na at malapit na akong manganak... hindi ko na kaya umupo ng matagalan dahil sumasakit ang likod at balakang ko....

depende po pag nakakatulog ng maayos si baby or pag behave sya natitiklop ko po ka aagad mga natuyong sinampay ko and nagagawa ko pa lahat ng mga iba kong gawain πŸ˜‚. naka depende po sa mood ni baby lagi ang kilos ko mga mamsh..

VIP Member

Kasamaang palad πŸ˜… nakatengga sa isang upuan sa loob ng kuwarto. Inaabot kase ako ng 2-3 days bago matapos ang labahin kahit naka washing machine na πŸ˜… May buntot kase ako laging naka sunod at ayaw akong maalis sa tabi nya.

mas madalas pong hindiπŸ˜„,gawa na rin ng makulit si baby.madalas gabi na ako nag titiklop pag tulog na si bagets.pero minsan inaabot na ng 2 dyas di pa rin tiklop mauubos na lang ulitπŸ˜†,na tatabunan kasi ng ibang gagawin.

Depende. kapag may iba pa na mas importante gagawin bukod sa pagtutupi di ko magagawa kagad yan. Pero pag di naman busy tutupiin ko kagad. Pero si mister ko pag naglaba sya pag natuyo na ang sinampay tutupiin nya kagad 😁

depende sa mood pag tinatamad puro bukas n lang , hahah . mauubos rin yun naman ulit kakakuha ng mga anak ko , tinatamad din kasi maghanap sa cabinet kaya yung mga tiklopin n lng sinusuot nila minsan . hahaj

Hi, depende po malikot na kasi si baby pag pwede hawakan o tignan ng biyenan ko tinitiklop ko na. Pero minsan natitiklop ko paunti unti kht malikot n si baby. Minsan kasi ginugulo niya ung natiklop ko haha.

Sa akin oo tinutupi ko kaagad mahirap na itambak lang baka madumihan pa tsaka ayoko ng may mga nakasabit sabit kadalasan kasi dun nagkukumpulan mga lamok tsaka pinapabantay ko muna sa husband ko si baby ko.