#QOTD Tuesday: Tinutupi mo ba agad ang mga sinampay kapag natuyo?

TAP Parents, sasagot ka lang sa QOTD, may chance ka nang manalo ng PHP100 voucher! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Tinutupi mo ba agad ang mga sinampay kapag natuyo?
499 Replies
Magsulat ng reply
VIP Member

Tob be honest. Minsan natutupi agad, my times madalas hindi on the spot natutupi. Kasi dalawa na anak ko. I have toddler kid na pinag sabay ko ang nursery and kinder nya this year sa homeschool nya. Meron din ako baby na need to breastfeed kaya to be honest hindi ko talaga natutupi. Minsan my times na nakakapagod, pero laban lang. yun way ko para matupi agad, sabayan manuod ng netflix or movies tapos dapat off ni hubby para my ka help ako mag bantay at alaga sa mga bata. Kaya my answer to this question is NO. hindi ko talaga natutupi agad. 🥰

Magbasa pa

Big yes dahil yun na ang nakasanayan ko simula pa lang except na lang kung maulan at hindi natuyo yung ang mga sinampay kahit may baby na ako ganun pa rin ang ginagawa ko sinasamantala ko yung mga pwedeng gawin habang tulog sya kasi kapag nagising sya hindi na naman makapag concentrate sa mga gagawin ☺️

Magbasa pa

To be honest. Madalas hindi, masipag lang maglaba pero tamad magtupi. Napipilitan lang magtupi kapag wala ng magamit na hanger. 🤦‍♀️Minsan aalisin lang sa hanger tas itatabi, lalo kapag di nagtulog ang 2 baby ko. Thanks to my byenan, masipag itupi mga nilabhan namin. ❤Thank you Daddy.

minsan yes, madalas hindi at naaabutan pa ng next batch labahin. at nangyari lang to simula magkababy now he is 5. ang dami kasing gagawin muna at parang mas masarap dumukot nlng sa sampayan kesa tupiin sila. hihi. parating na din ang 2nd baby kaya baka pati paglalaba ewan ko nlng haha

Hindi 😁. Sobrang dami ng gawain minsan naiiwan lang sa sinampay yung damit kahit tuyo na. Madalas kailangan ko na kunin kasi wala ng hanger na gagamitin si mister sa pagsasampay ng mga nilabhan nyang damit. (yes! Hindi ako naglalaba si mister talaga) dakilang tagatiklop po ako 🤣

hindi mas madals ang hindi ko agad tinutupi kasi..tinatamad akong mag likom..pag nilokom kelangan tupiin agad😁simula n buntis ako..tamad din akong mag tupi pag nakasampay...halos maubos n ang nakasampay at qng minsan pag mag lalaba n lng ulet saka mag lilikom ng sinampay😁

kay baby po, yes. 😊hango agad sa sampayan. feeling ko po kc kpag natatagalan sa sampayan yung mga damit ni baby nagagabukan lang kaya tupi po kaagad. hehe then ung sa amin po ni hubby kpag nagkaron ng oras saka lang matutupi. hehe 🤣😂 first time mom here po ❤️

Yes po lalo na kapag tahimik or tolog si Lo magandang samantalahin po pag ka ganoon kc makakaconcentrate ka po sa pagtutupi ng sinampay Mo kapag ito ay natuyo na😊 at kapag si lo naman ay makulit at gising asahan na po lahat ng tinupi MO damit guguluhin lang Niya😊

Hindi ko natutupi agad. Need to find extra time first kasi may 2 anak akong tinuturuan sa modular distance learning (toddler pa ang isa) at binebreastfeed na 3 months old. Not unless gagamitin na muli sampayan sa another laundry kaya pwersadong tupiim agad. hehe. 😁

VIP Member

oo, kasi maglalaba ako ulit nyan, para ready na ung sampayan ulit at saka kung kaya itupi agad at wag na ipabukas ginagawa ko, masarap sa feeling yung alam mong nagagawa mo ng maayos ung gawaing bahay, dahil ang gawaing bahay ay walang katapusan 😊