Walang sariling desisyon

Pwede po ba maglabas ng sama ng loob dito mga mamsh! Yung partner ko po kasi palagi syang naka dpende nalang sa ate niya kahit naman may trabaho sya gusto nya muna magpakonsulta muna sa ate wala talaga syang sariling desisyon puro nalang ate2 niya. Nakakasama na ng loob kasi ayaw ng ate nya na apelyedo yung baby sa nila! Sobrang sakit sa dibdib na wala kang mapagsabihan maski pamilya ko kasi nahihiya ako magsabi2. Btw, seaman po siya onboard sya ngayon kung magpadala sya ng pang sustento dapat dadaan muna sa ate niya! Sabi niya pa dati e magpapakasal kami sa kahit civil wedding muna nung sinabe nya sa ate nya nag iba nanaman yung desisyon nya ewan ko ba! Parang gusto nalang siya hiwalayan pagkatapos ko manganak kasi ngayon di ko pa kaya kasi wala na akong work pinaresign niya ko sa work kasi buntis ako, balak ko na sana magwork nalang pagkatapos ko manganak kasi parang wala akong maasahan sa kanya kasi puro sya naka depende. Ilang days ko na din to dinala-dala halos taga gabe nalang ako umiiyak nahihiya kasi ako magopen sa mama ko. Haaaaays

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi lang po pla mamas boy ang meron ngayon, meron dn po pla ates boy. Kausapin mo partner mo mamsh. Pero sa ngayon you need to open up sa mama mo o pamilya mo para may kakampi ka. Stress is not good for you and your baby. Bka kasi may utang na loob partner mo sa ate niya kaya puro ate lahat o di kaya bka kontrolado ng ate partner mo. Mahirap yan mamsh, nasayo if you want na hiwalayan, timbangin mo ng maigi bago ka po magdecide. Naku nman pati paggamit ng apelyedo ng anak ninyo, isasangguni pa sa ate. Pati sustento dadaan pa sa ate. Parang nakikinita ko asal at ugali ng pamilya ng partner mo mamsh. Hindi maganda.

Magbasa pa