Pampalakas loob lang mga brave mommy diyan, First time mom po ako. 22 years old, currently 23weeks

Preggy , maliit po ako na babae, sobrang kinakabahan po ako, kasi bukod sa mababa lang pain tolerance ko, lagi ko iniisip kung kakayanin ko ba ang sakit sa panganak 🥺. 3months pa pero legit di maiwasan kabahan ako. Tipong masakit lang tiyan ko nanghihina/apektado na buong katawan ko. Sana tolerable lang yung sakit na ipaparanas saakin ni God sa panganak 🙏.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mababa din pain tolerance ko sabi ng midwife na nagpaanak sakin kasi nung naglilabor ako sobrang sakit na sakin na 2cm palang. tsaka syempre ftm. bago sa pakiramdam ko yung sakit kaya daing talaga ako ng husto. pero kinaya ko naman nung nanganak ako. nainormal ko yung panganganak ko sa baby ko. balewala na lahat ng sakit na naramdaman ko during labor nung makita kong lumabas yung anak ko. now 6 months na siya. kaya mo po yan. tiwala lang at dasal na kakayanin mo yung panganganak mo. god bless 😊

Magbasa pa