malditang anak

Hello po,.. tatlo po anak ko at ung panganay ko ay babae, lage po kamig nag aaway at lage ko po syang napapalo dahil matigas at laging sumasagot sagot pag pinapangaralan ko, minsan napapaiyak nalang ako dahil sa sobra kung palo sa kanya, kaya ngayon sa bahay na lola niya ngayon siya tumira, magkatabi lng po bahay namin ng mama ko, parang ang layo po ng loob niya sa akin, alam kong ako ang mali minsan po nasabi ko rin sa kanya na mawala nlng siya sa buhay ko dahil siya ang dahilan ng paghinto ko sa pag aaral,.. ano po ba dapat kong gawin mga moms, sobrang miss ko na po anak ko..

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tingin ko , lahat ng sama ng loob mo sa anak mo binunton.

It's so sad to read something like this. Nakakarelate ako. I grow up with my lolo and lola for 12 years because I was born from my parent's mistakes at nagaaral pa mama ko non sa Manila. But after I graduated elementary kinuha ako ng parents ko sobrang hirap na hirap ako magadjust tapos yung nanay ko pa tuwing may problema sya sakin nya binubuhos kesyo malas daw ako sa buhay nya at lagi din ako sinasaktan kahit dalaga na ako hanggang bago ako ikasal sinasaktan ako ng nanay ko kahit nung mismong araw ng graduation ko at few days before my wedding tapos hanggang ngayon na magkakaanak na ko ako pa rin sinisisi nya bakit kinailangan nya pakasalan tatay ko kasi may iba na syang mahal nung time na kinasal sila ng tatay ko pero tatay ko pinakasalan nya para sa dignidan nya. Nakakalungkot kasi ako nagdadala ng pagkakamali nila na hindi ko pinili, nakakalungkot na kaya pinili ko ikasal at the age of 22 e para lumayo sa magulang ko tho ang primary reason ko naman talaga sa pagpapakasal e mahal ko ang asawa ko 2nd na lang yung relationship namin ng nanay ko, masakit masabihan ng malas, sana di na binuhay, sana di na pinagaral at isisi sayo lahat ng consequences ng ginawa nila. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos kasi mahal ako ng lolo at lola ko at mahal na mahal ako ng asawa ko, ngayon magkakaanak na kami after almost 2 years of being married at bilang anak na nakulangan sa aruga ng magulang ipinapangako ko di ko ipaparanas lahat ng naranasan ko sa anak ko. Nagpapasalamat din ako sa Diyos kahit ang hirap ng pinagdaanan ko di ako naging pariwarang babae kasi ginabayan ako ng Ama sa mga panahon na ginagabayan dapat ako ng mga magulang ko. Kahit ganon ginawa nila sakin di ako gumanti ng masama hindi ako nalulong sa kahit anong bisyo at proud ako na asawa ko lang ang nakakuha sa pagkatao ko. Please stop mo na po yan, kasi hindi pare parehas ang mindset ng mga tao maaring di ako naging rebeldeng tao e ang anak mo? Wag mo na hintayin. Please. For the sake of you and your child, seek God. 🙏

Magbasa pa

Ikaw po ung maldita😂

VIP Member

So sad para sa anak mo

grabe ka naman sa anak mo. napagsalitaan mo pa sya ng ganun at grabe ka kung masaktan mo sya. no wonder na lalayo talaga loob nun sayo. dahil matatakot yun at magkakatrauma yun sayo. sya ba talaga dahilan ng pagkahinto mo sa pag aaral? hindi ba ikaw at yung ama ng bata ang dahilan nun. mabubuo ba sya kung di kayo nagpaka reckless sa mga actions nyo. wag mong sisihin ang bata na nabuo sya. sisihin mo ang kapusukan nyo. pinag aaral ka pala pero iba inatupag mo. wag mo isisi sa bata lahat. dahil ikaw lahat may kagagawan nyan pati ng behavior nya

Magbasa pa
5y ago

i'm just stating the facts. no need for her or you to be butt hurt. smh. people nowadays nga naman. hindi lahat ng bagay kelangan i sugar coat. ano pang silbi ng pagtatanong nya online kung ieexpect na laging maganda ang ififeedback sakanya. wala akong sinabing masama bakit ka nagkakaganyan? sinabi ko lang ang reality.

VIP Member

Awww

Mana sau anak mo mamsh. Maldita anak mo kase Madlitang nanay ka den hehe. Maski sino mahhurt lalo na nanay nila sabihan ka ng ganon. Do your move as a mom, hndi matatapos yang gap ninyo unless ikaw mismo gumawa ng way to fix everything between you and your daughter. And moving forward, maski anong galit or badtrip mo sa mundo, refrain from saying bad things na pagsisisihan mo den eventually. Those are the things that you can never undo or take back. Think before you speak, ika nga. Hope magkaayos na kayo.

Magbasa pa

Hays. Wag po sana isisi sa anak yung consequence ng mga actions na tayo naman ang gumawa. Lalayo po talaga loob sayo ng bata and sana mamalo lang po tayo pag makatuwiran talaga ang dahilan at hindi dahil sa inis lang. Kawawa ang mga bata 😪

wag po isisi sa bata kung bkit di kayo nakapagtapos ginusto niyo naman po yung ginawa nyo ng tatay ng anak niyo dapat sarili niyo sisihin niyo..tingin ko sa kakasabi mo sa kanya ng ganyan sumasama ang loob nya.

kausapin nyo po si baby.. baka nagtatampo lng un.. naghahanap ng kalinga ng nanay po..