18 Replies
same mi nung 7 weeks ako, halos wala akong napapasok na food at water ng 1 week tapos sobrang hina na ng katawan ko. yung ihi ko nun dark yellow na. that is why nag decide kaming magpa-admit na ako kasi di ko na talaga kaya. niresetahan ako ng OB ko ng Meto panglaban sa pagsusuka para daw makabawi yung katawan ko dahil hindi raw maganda kung wala akong sustansya at lakas. madami ring vitamins gaya ng B-complex, vitamin C, Calcium ang nireseta mi. up until now umiinom ako ng meto pag sobra na yung pagsusuka ko dahil yun ang advise ng ob ko. so far halos oras oras kumakain at umiinom na ako pero konti konti lang.
Normal. Ako before more than a month, walang palya literal nagsusuka especially at night after dinner. Lahat ng kinain ko maghapon sinusuka ko. Minsan magccrave ako, tapos biglang aayawan ko na, isusuka ko agad. I remember kumain ako ng baked sushi tapos sinuka ko yung nori buo pa shape haha. Even water sinusuka ko. Madalas rin naglalaway. Normal weight ko before mabuntis is 43kg. Bumaba timbang ko hanggang 40kg kakasuka. Tiis ka lang. Mawawala rin yan. Buy ka Gingerbon candy sa Watsons or Mercury nakakabawas paglalaway.
Know that You're not alone mommy. 😊 Kunting tiis lang po mawawala din, gaganahan ka rin kumain pagpasok mo ng 2nd trimester or pwede pa nga earlier. Noon skyflakes lang din nakakain ko ng maayos, pati water sinusuka ko. Basta as much as possible kain ka parin po ang more on fluids para di ka madehydrate. Also, dont forget to take your folic. 💗
meeeee! i feel you! sobrang nakakatress. i am 20 weeks now and hindi pa din magana kumain lero nabawasan na acid reflux. anxiety causes acid reflux din. hindi din ako makakain ng rice gaano until now. kumakain ako bread oatmeal ganyan. tapos ang tubig ko ung natures spring na ph19. tapos nakakatulong din mga antacid kung inaacid ka lalo sa umaga.
Ako mi 12 weeks na pero sobrang Lala. Legit pati tubig. Pati panlasa ko wala. Ilang kilo na din nabawas sakin. Nasabihan pakong losyang Kaya nakakainis may mga tao talagang insensitive. Laban mi. Ako din kahit never nakong nakaramdam ng normal na pakiramdam since day one. Pagkatatag Lang tao mi! Hindi ka nag iisa. Makakaraos din tayo 🤍
second pregnancy ko po now nung first trimester ko wala din ako makain puro suka kahit tubig suka pa din ako ng suka may kasama pang dugo lagi din po akong hilo at nanghihina pero nung sa second trimester ko na lessen na after mapalitan ng ob ko yung mga vitamins ko inaatake nalang lagi ng acid now.😅
sa 3rd bby wlang oras morning sickness ko. as in maarte , gsto wilkins tubg dn hahaha sb nla 12-14wks usually nttpos gnyan. pero iba iba prin tlga. mttpos dn yan. currently preggy ky bby #4 😃 sobrang gaan nmn ng pkrmdam ko neto. iba iba tlga pregnancy journey
I am 17weeks pregnant, and may pagsusuka pa akong nararanasan pero madalang na 🤣 depende din po talaga sa pagbubuntis. Nung around that week every meal ako nasusuka, tuwing nagtootoothbrush/kapag may toothpaste bibig ko, every morning susuka ng stomach acid.
damang DAMA ko Yan teh🤣 ung ayaw mo ng kanin🤮 pero now kumakain na man na q ng kanin, pili lang sa brand malantuday pnagbubuntis q eh haha, coco pandan lang alam🤣 anyhows nawala sya skin siguro around 14-15weeks 16weeks preggy here
kakaranas kolang nito kahapon. buong maghapon hindi ako nakakain dahil sinusuka ko agad pagka lunok palang😭😭 nagwoworry ako kasi di ako nakakain ng tanghalian at hapunan tapos sinuka ko yung vitamins. 12 weeks pregnant po ako😭
Jane Guevarra Dequilla