Deaf po yata si baby

Hello po share ko lang yung inaanak namin. Worried po kasi kami. 2 years old napo sya pero di pa rin nagsasalita and mas disturbing is kahit tawagin mo sya di rin responsive. Pati kahit nanonood ng mga nursery rhymes, di sya sumisigla. Nahihiya kami magsabi na baka nga may deperensya yung pandinig pero ang sabi kasi nung newborn screening naman daw, wala naman daw problema. May mga babies naman daw na di talaga agad nagsasalita pero ano po sa tingin niyo normal po ba yun? Or need na talaga nila ipa check up para maagapan?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi po natetest ng NB screening ang pandinig. Iba pa po yun. Need po iexplain ng maayos sa magulang para hindi sila maoffend and make sure po na kapag sinabi nyo with conviction para paniwalaan po nila kayo. Meron po late ang speech development. Pero mahalaga po sana na kapag may narinig na tunog o ingay ang bata, nararapat lang po na magreact sya accordingly. Ganundin po, kung nasaan ang source ng sound, doon po sya babaling. Kung akma po ang magiging response nya, malaki ang chance na delayed speech. Ganunpaman, mas mabuti parin po ipacheck para mapayuhan ang magulang kung ano yung mga dapat na hakbangin para mapabilis ang progress ng pagsasalita ng bata.☺️

Magbasa pa