Rashes

Hello po, nagka rashes po si baby nung tuesday so nilinisan ko po at nilagyan ko po ng calmoseptine yung part na may rashes. Usually po pagka ganon ang ginagawa ko nawawala na po. Pero hanggang ngayon meron pa din at mas kumalat pa yung rashes niya hanggang sa naging ganyan na po ang itsura. Nagsimula lang po yan sa pamumula tas naging ganyan na. Lagi ko naman hinuhugasan tuwing magpapalit ng diaper at di ko din binababad sa ?. Parang nag dry na po balat niya sa private area. Ano pa po kayang remedy dito? Lampein po brand ng diaper niya and since newborn yun na po gamit niya. Pasuggest na din po ng diaper tatry ko po muna ibahin baka sakaling mawala na yung rashes.

Rashes
336 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Minsan ang rashes ng baby nakukuha sa diapers kapag puno na ng ihi at tumagal na yung diapers sa kanya, pag sa araw dapat lampin muna gamitin sa gabi nalang gamitin ung pampers or incase na aalis para di mag ka rashes si baby

Momsie wag ka po magpopost ng ganyan dto. Minsan may mga lalaki na nakakasali dto mga bastos. Pati mga bata minamanyak. Last time may nabasa ako nagcomment " ang sarap naman daw pasukan ng tit* nung ano ng baby girl"

pahinga mo.muna sa diaper si baby... wag mo muna sya idiaper.... maliban sa gabi para makahinga ang balat nya... pacheck nyo po sya kasi masyado na malaki ang part na may rashes... baby ko huggies ang gmit nya...

Palitan ang brand ng diaper. Di hiyang ang baby mo sa lampein kung sinasabi mo naman na lagi mo syang nililinisan. Kahit anong pamahid or gamoy ilagay jan kung di hiyang sa diaper baby mo wala magkakaroon pa rin yan.

maganda po pa check up niyo po para mabigyan po siya ng resitang gamot then try niyo palitan diaper brand ng huggies dry or pampers or eq dry..yang tatlong brand subok ko na yan never nag ka rashes diyan ang baby ko

Moms,,try m nlng ibng brand ng diaper pra ky baby,,and pls pki delete nyo n po un picture n sinend nyo,,mrami po kz d2 anonymous n my pgka maniac..pti mselang bhagi ni baby d nla pinapatawad..suggestion lng po..tnx

Momsh... Nung nakita niyo na po na ng ka rashes na sa first used niyo palang sa Lampien brand, palit kana po agad... I must suggest Eq dry or Huggies na pang newborn, in my experienced pangit po ang pampers.. 😔

Desonide Cream iapply mo medyo may kamahalan pero effective sa baby ko , mas malala pa nga Yung sa baby ko Jan as in nag susugat na . But now ok na 2x a day mo iapply sa Mercury drugs 24Hrs. Lang meron nun .

Palitan nyo ng brand diaper nya kc mainit ung lampien n diaper mgnda ung magic dry o Kya magic color try nyo gnyan gmit ki s baby ko never p xa ngkarashes ska dpt luwagan nyo diaper nya pra hnd mgasgas balat nyo

Try mo huggies dry.. Never nagrashes ung baby ko kahit napupuno sya ng wiwi.. Wag mo muna lagyan ng diaper lalo na sa umaga para makasingaw at gumaling.. Pero kung ndi ka kampante, ipacheck up mo na sya sa pedia