New mom.

Hello po mga mommy sino po dito may diabetes na preggy??? Nag iinsulin po ako di po ba makakaapekto yun sa baby . 7weeks preggy po ako. Nakunan narin po ako sa first baby ko this year lng din po. Dahil di po nag develop yung sa tummy ng bata. Kaya natatakot po akongangyari ulit un. May posibilidad po ba na dahil sa diabetes yun kaya ako nakunan . Actually po bago palang po ako nag iinsulin at ngayon ko lng din po nalaman na may diabetes ako nung tinutukan ko na po tong pangalawang pagbubuntis ko natatakot po kasi akong mangyari ulit yun na mawala na naman baby ko. Pa help naman po. Salamat.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes mahaba tong reply ko.. hahaha Pang 3rd pregnancy ko na to.. yung first two ko nakunan ako. after ng first pregnancy ko dun ko lang nlaman na diabetic ako, as per my ob baka dw nung nagbubuntis ako ngka gestational diabetes ako. Sa kasamaan palad di na siya nawala. After a year nag buntis ule ako, diabetic na ako and pinag insulin dn ako pero nung nka 5months na ako, nakunan pa dn ako. Sabe ng ob ko baka daw incompetent cervix kaya nakunan akl at 5months or pedeng di dw nacontrol yung sugar ko.. Kaya pedeng sa diabetes din daw kaya ako nakukunan.. and etong third pregnancy ko, unexpected to.. nag iinsulin ule ako ngayon, and sobrang takot ko kase ang taas ng units na kelangan ko iinject.. 36-10-24 .. Last week ng january my transabdominal ultrasound ako to check my cervix kung weak nga sia.. and about my diabetes, thanks god kase nag nonormal na yung bs ko :) Sinasamahan ko lang ng dasal araw araw pra sa kaligtasan namin ni baby at sana ok lang si baby sa kabila ng mga gamot na tinetake ko :) Pray lang tayo momsh! Kaya natin to! ❤️❤️❤️

Magbasa pa
2y ago

ilang months na po si baby nung nag iinsulin po kayo sa third babay niyo?

Ako po type 1 diabetes ibig sabihin po pinanganak akong may diabetes so insulin dependent po ako. Before ako magbuntis nagiinsulin na ko. Pinatuloy lang ng ob ko ang insulin ko tapos regular ang check up ko sa diabetologist. risk factor kasi ang diabetes sa pregnancy. Si baby pwedeng may complication sa heart, maging sobrang laki, or worst eh sudden death habang nasa tyan. So sabi ni ob dapat laging namomonitor ang blood sugar. As much as possible dapat iregulate mo mamsh. I gave birth to my daughter last dec 25, she is big for her gestational age and nakaapekto sa kanya pag iinsulin ko, when she was born sobrang baba ng bloodsugar nya kaya kailangan nilang saksakan ng swero. I hope this helps. Magpacheck ka po sa diabetologist and watch your diet as early as now. God bless you and your baby!

Magbasa pa
VIP Member

Gestational diabetes po ako nung preggy. Di naman po ako pinag insulin, diet and monitoring lang ng sugar. But sabi ni OB worst case scenario is insulin. Kasi need daw i treat di pwede hindi pag mataas na ang sugar baka kasi makuha ni baby ang diabetes. Mas okay daw po ang insulin kaysa sa oral meds mas safe po dahil ang insulin ay naturally occurring sa katawan unlike yung medicine po may laman siya na might be harmful for the baby.

Magbasa pa

Hi mommy. Same tayo 7weeks & type 2. Nag start din ako mag insulin nung dec pero naka oral meds na ko before pa. Nakunan din ako nung july, dun ko nalaman na diabetic ako. Think postive lang momsh. Kaya natin to 🤗 super safe ang insulin sa buntis pero madami tlagang pwedeng mangyari. Basta gawin natin lahat for the baby. Aja!

Magbasa pa

Ako din type 2 diabetic 10 weeks kinakabahan nga ako kase ndi pa ako nakakapag insulin pinatigil kase yung oral meds ko nung dec ng ob.tapos problem ko hindi ako sinusuportahan ng husband ko pagdating sa check namin ni baby (ayaw nya ako bigyan ng pera).gabi-gabi ako nagdadasal na sana ok ako lalo na si baby..hay hirap

Magbasa pa
5y ago

Mommy kailangan mo po talaga makapaginsulin kung mataas ang sugar mo..o kaya make sure po na makapagdiet ka po kasi delikado kay baby po!! Ipaliwanag mo po dyan sa pasaway mong asawa kung risk na pdeng mangyari sa anak nia (sorry po sa words ko nakakainis po kasi yung ganyang asawa po walang pakialam po anak nman po niya yan sorry po talaga)

Halaahh may friend po ako same case sa inyo nag iinsulin and nag tetske ng gamot for diabetes then she found out po na she was pregnant and twins pa then nag pa check up po siya bumibilis tas babagal ung puso ng mga anak niya, then nag dugo tas nakunan po siya, stay strong po kayo alagaan niyo po sarili niyo

Magbasa pa

Ako po may GDM po ako at nakainsulin po ako ngaun mas safe po kay baby na mag-insulin ka po para nacocontrol po yung sugar mu..pero dapat mgpacheck-up ka pa din po sa endo at ob mu para macontrol mu po ang sugar mu po

5y ago

Salamat po.

Tagal ko na po itong post ko..nakapanganak na po ako by ECS noong dec 10,2019 and i have a healthy baby girl po!!! Normal po lahat ng result ng newborn ng baby ko kahit po nakainsulin ako..🥰🥰

5y ago

narelieve aq nang mabasa ko ito. diabetic dn ako nagiinsulin now at preggy n dn. pero sana mkpagnormal delivery aq kaya ginagawa ko lahat para mapababa sugar ko. sana healthy si baby kapag lumabas

Gano kataas po ang sugar nyo pag nagtetest po kau? At everyday po b kau nagtetest ng sugar?

5y ago

Iwas po ako sa rice at meat pati mga sweets..pero minsan kumakain din ako nyan dahil bawal din masyadong mababa ang sugar natin

pg may ganyan po case may nrerecommned si OB na mgpacheck sa diabetologist..

Related Articles