13 weeks pregnant, Normal bang magbleed?
Hi po mga mommy sana matulungan nyo ako, sobrang nakaka stress, last period ko is May 14 hindi na ako dinatnan nag PT ako June 19 nag positive after a week June 28 nag PT ulit ako positive pa rin, after 1st PT ko nakakaramdam na ko ng Acid reflux, pagsusuka, Sensitivity sa Smells lahat ng symptoms ng buntis up to this day. Nag pacheck up ako sa hospital (July 22),kinapa kapa lang ng doctor ung bandang Matres ko,nagrereklamo kase ako na sobrang sakit ng sikmura ko nag loose ako ng weight from 82kilos to 76kl.,tapos ung talampakan ko na sobrang sakit na parang nakakapilay. then niresetahan ako ng Metroclopromide(para sa pagsusuka), Gaviscon(Acid reflux at heart burn) and Folic acid, that day din uminom ako nyang mga gamot tapos after 2 days tinigil ko ung Metroclopromide at Gaviscon for 7 days dapat daw inumin ito pero natakot kase ako eh. Ung folic acid nalang ang itinuloy ko for 30 days naman ito. Ginawan din ako ng request fo Laboratory at Transv Ultra sound, hindi agad ako nakapag pa laboratory kase hinahantay ko pa ang sahod ng asawa ko(july30). Inabot nanrin ng MECQ ulit na udlot nanaman ang lab. At ultrasound ko, ngayong gabi lang (August7) nag do kami ng mister ko after nun dinugo ako red blood mejo madami sya,after an hour nawala din ung blood,nung umaga palang pala sumasakit na ang balakang at puson ko. Help naman po makukunan ba ako or normal lang na ganon dinugo? Hindi ako makapag pacheck up ngayon at sobrang higpit na bawal ako lumabas. Wala akong idea sa mga spotting or kung ano, pang 3rd baby ko na iyo ngayon lang nangyari sakin ito. Sana po matulungan nyo ako.