STRESS SA ASAWA
Hi po mga mommy 😔 kakamatay lang po ng mother ko last July 15, sobrang stress po ako sa nangyari nalaman ko lang na buntis ako nitong July 22, 5 weeks and 5 days nung nagpacheck up ako. Ang asawa ko lagi naalis lagi ako naiiwan magisa s bhay pinpasamahan nya lng ako s mga pamngkin ko. Nkakailang pakiusap nko s knya na wag syang aalis ng bahay pero hindi sya nkikinig. Isang salita lang ng tropa nya pag niyaya sya paalam agad sya sakin tpos kht d ako pumayag at masama loob ko aalis padin sya. Araw araw halos naalis sya hind sya mapirmi sa bahay. Wala man lng pakeelam kung ok pko. Ngyon nagaaway kmi kasi kagabi naginom nnmn sya tpos ngyong umaga aalis nnmn sya. Nagsigwan kmi na parang hnd ako buntis n parang wla akong pinagdadaanan. Sobrang sama lang po ng loob ko. Sana ok lang ang baby ko. 7 weeks palang sya ngyon.. Ayokong pati baby ko mwala pa sakin... Sorry po wla akong mapagsabhan kaya dto ako nag share... 😔

Kung ako ito, I'll give space for him. Uwi muna ako sa papa ko kung di siya nakikinig sa'kin. Kakapagod makipagtalo palagi at sa sitwasyon mo na di ka dapat stressin. Kakamatay lang din ng mama mo, inaalayan ka nya sana hindi iniiwan palagi. Minsan mga lalake kulang lang yan ipa realize sa kanila ang mga bagay², lalo na kung di pa matured mag isip. 1st baby nyo po ba? If so, iba ang lalakeng excited kung magiging ama na sya. Baka rin ayaw nya muna mag isip ng mga problema kaya panay barkada sya ngayon, barkada ata naging outlet nya kaya konting aya sumasama na.. I suggest kausapin nyo ng masinsinan o seryoso, wag mo agad i-nag sa mga kulang nya as asawa. Di ko alam ugali ng asawa mo pero I've been into this kind of guy na pala barkada before, ayaw nila nasusumbatan kaya try mo sya kausapin kung saan or anong way sya komportable makinig sa'yo.. Sana madadaan sya sa pakiusap this time. Be strong & ready sa hinaharap kung ano man maging desisyon mo ngayon. Basta ingat lang po lagi at maging healthy para kay baby din. Hugs to mommy, condolence din 💖
Magbasa pa
